Our Lady of Sorrows
September 15, 2004 | 12:00am
IPINAGDIRIWANG natin ngayon ang mga pagdadalamhati ng ating Mahal na Inang si Maria. Ipinagdiriwang natin ang mga dalamhati ng puso nina Jesus at Maria sapagkat ang mga dalamhati nila ang nagdala sa atin ng kaligtasan.
Basahin natin ang Ebanghelyo para sa araw na ito (Lk. 2:33-35).
Namangha ang amat ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, "Tandaan mo, ang batang itoy nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kayat mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso moy para na ring tinarakan ng isang balaraw."
Sa paghahain kay Jesus sa Templo, kinuha ni Simeon ang sanggol na si Jesus at pinapurihan si Yawe. Sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, naipahayag kay Simeon na ang sanggol na si Jesus ang Manunubos ng sangkatauhan.
Pagkatapos papurihan ang Diyos, humarap si Simeon kay Maria at sinabi sa kanya na ang puso niya ay magdaranas ng mga pasakit. At ang gayon nga ay naganap noong si Maria ay nasa paanan ng krus ni Jesus. Sa paanan ng krus, nakibahagi si Maria sa krus ni Jesus. Hindi siya ipinako sa krus, subalit nakibahagi siya sa sakit at hirap ni Jesus.
Dapat din tayong makibahagi sa hirap ng krus upang makamit natin ang walang hanggang buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest