^

PSN Opinyon

Huwag ‘ningas cogon’

- Al G. Pedroche -
NGAYON lang pinagtutuunang pansin ng pamahalaan ang mga opisyal ng gobyerno na ginagamit ang mga behikulong naka-assign sa kanila para sa personal na layunin. Matagal na iyan. Madalas matiktikan ang mga sasakyang may plakang pula sa mga bahay aliwan, na ang ibig sabihin, ang mga opisyal o kaanak nila ay ginagamit sa good time ang mga behikulo ng pamahalaan.

Di nga ba dapat ay may nakatatak na "FOR OFFICIAL USE ONLY" sa mga sasakyang pag-aari ng gobyerno? Pero ang nangyayari, "FOR OFFICIAL USE ALSO" ang mga behikulong ito. Lekat!

Pati sa pamamalengke ng mga misis ng ilang government officials ay nagagamit yata ang mga sasakyang ito! Sobrang abuso na iyan.

Kulang sa pera ang gobyerno kaya pinagtutuunang pansin daw ng Land Transportation Office sa atas ng Malacañang ang mga sasakyang ito na ginagamit nang hindi awtorisado. Korek kayo diyan pero hanggang kailan ang paghihigpit ninyo?

Huwag sanang ningas cogon. Ang pasilidad ng pamahalaan ay dapat gamitin sa mga layuning opisyal. At iyan ay para sa kapakanan ng taumbayan na nagbabayad ng buwis. Sa tuwing aandar ang mga sasakyang iyan, taumbayan ang nagbabayad ng gasolina mula sa kanilang ng buwis sa gobyerno. Hindi dapat magpasasa ang mga opisyal ng gobyerno na pinagtalagahan ng mga sasakyang iyan.

Pero may mga opisyal ng pamahalaan na umaabuso sa kanilang pribilehiyo. Pati government vehicles ay ginagamit sa pamamalengke ng kanilang mga misis o katulong. Ginagamit din sa mga personal na excursion ng pamilya. Aba’y huwag naman!

Kung anu-anong bagong buwis ang pinaplanong singilin sa taumbayan tapos may mga opisyales na magpapasasa at gagamitin ang dugo ng maliliit na mamamayan sa personal nilang luho.

Mahiya naman kayo!
At sa mga kababayan natin, kung may mapapansin kayong redplate vehicles sa mga alanganing lugar tulad ng mga palengke, resort, bahay-aliwan, isumbong n’yo sa LTO para magawan ng aksyon. Kapag walang aksyong ginawa, isumbong niyo sa kolum na ito.

GINAGAMIT

HUWAG

KAPAG

KOREK

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LEKAT

MADALAS

PATI

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with