^

PSN Opinyon

Mahusay sa kalusugan ang 'miracle mat'

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
HANGAD ng BANTAY KAPWA na maging malusog at mailig-tas sa sakit ang sambayanan. Sa ganitong pagkakataon, magandang malaman na malaki ang naitutulong ng "miracle mat" o ng Jade Nano-Cera Mattress para sa kalusugan.

Sa dami na nang naisulat ko tungkol dito, hindi ko akalaing pati pala mga pari, madre at mga relihiyoso ay sumampalataya sa naiibang medical device na ito.

Isang kaibigan ni Sister Fely Avanceña ng Our Lady of the Blessed Virgin Convent sa Bulacan ang nakakabasa sa Pilipino Star NGAYON ng tungkol sa Jade Nano-Cera Mat at siya ang nagmungkahi sa madre na sadyain ang klinika nina Dr. Romy Orteza. Kaagad na komontak sila sa 743-8767 at 0917-9191660 at makipag-appointment kay Dr. Orteza. Nalaman na si Sister Fely ay may osteoarthritis. Hindi rin siya makalakad, nahihirapang lumuhod kaya pag nagdarasal ay nakaupo na siya. Tatlong higa lang sa ‘‘miracle mat’’ ay nakadama siya ng ginhawa. Dahil sa sinasabi niyang himalang paggaling ay pinayuhan ni Sister Fely si Sister Purificacion de la Merced ng Our Lady of Fatima Convent sa Novaliches, Quezon City na magpagamot din kina Dr. Orteza. Si Sister Purificacion ay may gowty arthritis. Namamaga ang mga daliri niya sa paa. Gumagamit siya ng tungkod at halos maiyak sa sakit habang lumalakad. Sa pagpapa-theraphy niya ay naniwala siya sa bisa ng natural mattress. Si retired US Chaplain Theodore Smith, 72, na naninirahan sa Zambales. Makakalimutin siya, may osteoarthritis, diabetes, hypertension kaya madaling mahilo at may umuugong sa kanyang tenga. Bumuti ang pakiramdam niya matapos ang apat na session.

Si Brother Alexander Francisco Jr. isang seminarian sa San Carlos Seminary sa Guadalupe, Makati City, ay may slipped disc sa lumbar area. Sa pagbangon sa umaga ay hirap siyang makatayo kaya inaalalayan siya ng kapwa seminarista. Limang higa lang sa ‘‘miracle mat’’ ay bumalik na ang kanyang kondisyon.

vuukle comment

CHAPLAIN THEODORE SMITH

DR. ORTEZA

DR. ROMY ORTEZA

JADE NANO-CERA MAT

JADE NANO-CERA MATTRESS

MAKATI CITY

OUR LADY OF FATIMA CONVENT

OUR LADY OF THE BLESSED VIRGIN CONVENT

SISTER FELY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with