^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Dahil sa mga kawatan kaya may fiscal crisis

-
FISCAL crisis? Ano ba ito? Hindi ito alam ng mga dukhang Pinoy at hindi na marahil pag-aaksayaan ng panahon na malaman. Abala sila sa paghahanap ng kakainin sa kinabukasan. Hindi rin nila alam kung sa mga susunod na araw ay kakain pa sila dahil walang tigil ang pagtaas ng mga bilihin. Patuloy din naman ang walang puknat na pagtaas ng gas.

Ngayon ay maraming naiisip ang pamahalaan para malusutan ang fiscal crisis. Pagpapataw ng bagong tax ang unang naiisip pero marami ang umaalma. Sumulpot ang ideyang bawasan ng 40 percent ang pork barrel ng mga mambabatas. Marami rin ang umalma. Hindi raw puwede. Sa dakong huli pumayag din pero 38 percent lang cut sa kanilang pork barrel. Ang pinaka-bagong pakulo ng mga kongresista ay "mag-drop-drop" na lang o magdonasyon para matulungan ang bansang makaahon sa sinasabi ni Mrs. Arroyo na fiscal crisis.

Pinangunahan ni House Speaker Jose de Vene-cia ang "drop-drop". Nag-drop siya ng P1 milyon. Hinimok naman ni De Venecia ang mga mayaya- mang pamilya na mag-donate ng pera o alahas para matulungan ang bansa. Ganito raw teknik ang gi- nawa sa Thailand at South Korea nang sagasaan ng financial crisis noong 1997. Nakabangon daw ang dalawang bansa.

Pero kahit magdonasyon ang mga kongresista, hindi pa rin sasapat para makabangon. Baon sa utang ang bansa at lumolobo ang budget deficit. Kung aalagwahan nila nang tuluyan ang kanilang pork barrel fund malaki ang pag-asang makabangon ang bansa. Wala ni isa man sa mga kongresista ang gumaya sa apat na senador na handang bitawan ang kanilang pork barrel fund. Ang apat ay sina Senators Panfilo Lacson, Joker Arroyo, Franklin Drilon at Alfredo Lim.

Ang pagkakaroon nang maraming kawatan sa gobyerno ang pinagmulan kung bakit isinilang ang fiscal crisis. Maraming magnanakaw. Maraming buwayang busog na busog pero wala pa ring tigil sa paglamon.

Ang mga kawatan ang nararapat unahing durugin para makalaya ang bansa sa paghihikahos. Ang mga kawatan at mandaraya ang ugat kung bakit nagkalubug-lubog sa utang ang bansa. Walang kakayahan ang gobyernong durugin ang mga kawatan. Malambot ang batas at walang ngipin. Hinayaang mamayagpag ang mga kawatan kaya ang taumbayan ang nagpapasan ngayon ng grabeng hirap.

vuukle comment

ALFREDO LIM

DE VENECIA

HOUSE SPEAKER JOSE

JOKER ARROYO

MARAMING

MRS. ARROYO

SENATORS PANFILO LACSON

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with