FIVE HUNDRED PESOS(P500.00) BAWAT TAONG PAPASOK PARA GAMITIN ITO. NAGREPORT SA ATIN SI PETER LEE NG HONG KONG TEA HOUSE, NA ITONG SI BERAN AY HINDI LAMANG SA ENTRANCE FEE ANG RAKET. KUNDI PATI SA BALA. ANG BAWAT BALA NA RELOAD NG .45 AY FORTY PESOS ITINITINDA(BAKA NAMAN GINTO ANG LAMAN NITO). GUN RENTAL AY FIVE HUNDRED PESOS DIN. GRABE PALA PRESYUHAN DYAN. WAG NA LANG KAYA MAGPUNTA SA LUGAR NA YAN.
KAMAKAILAN AY GINAMIT NG ANAK NI PETER ANG FIRING RANGE SA TRAFFIC NG WPD AT ITO ANG GUMULAT SA KANILANG LAHAT. WALA NAMANG MAGAWA ANG MGA ITO KUNDI MAGBAYAD SA KAGUSTUHAN NILANG MAKAPAG-PRACTICE.
TANONG DITO...IPINASOK NAMAN KAYA NITONG SI INSPECTOR BERAN ANG LAHAT NG IBINAYAD SA KANYA NG GRUPO NI MR. LEE? MAGKANO BA ANG SA YO DYAN, BERAN AT MAGKANO ANG SA WPD? MADALI NAMANG MALAMAN YAN. WILLING ANG ANAK NI PETER LEE NA SABIHIN SA WPD DIRECTOR KUNG ILAN SILA AT MAGKANO ANG KANILANG IBINAYAD DITO SA INSPECTOR NA ITO. AKSYUNAN MO NAMAN ITO, DIRECTOR PETE BULAONG NG WPD!
Para sa artikulo natin ngayon, nais kong ibalita sa mga tagasubaybay ng Calvento Files, nasampahan na ng Murder Case ang driver ng National Artist na si Feliciano Purificacion, Jr.
Matatandaan ninyo na naisulat ko na rin ang ginawang brutal na pagpaslang kay Melvin Yabut nung May 1, 2003. Si Purificacion ay driver ng ating National Artist na si Ed Castrillo.
Nangyari ang insidente sa loob mismo ng tahanan ni Castrillo sa Molino Homes sa Bacoor, Cavite.
"Nabuang itong si Jun (Purificacion) at walang dahilan para barilin niya si Melvin, " pahayag ni Castrillo.
Hindi lamang ang pagkawala ng isang matalik na kaibigan ang iniinda ngayon ni Castrillo kundi ang pagkagulo ng kanyang buhay dahil sa takot na rin dito kay Purificacion na balikan siya at ang kanyang pamilya. Ang asawa at mother-in-law ni Castrillo ang mga nakasaksi sa pagpatay kay Yabut.
Ang testimonya nilang tatlo ang naging basehan sa pagsampa ng kasong Murder laban kay Purificacion.
Ang National Capital Region ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagsampa ng kaso sa Presecutors office ng Cavite.
"It is just a matter of time before a warrant of arrest is issued against the suspect (Purificacion). We will arrest him as soon as we get a copy of it," ayon na rin ay RD Arugay.
Pinagbasehan ng NBI-NCR ang naging salaysay ni Ed Castrillo at ng asawa nito, pati na rin ng kanyang mother-in-law, na nung May 1 ng nakaraang taon, matapos silang maglaro ng Majhong sa may garage ng bahay ni Castrillo, lumabas sandali itong si Jun Purificacion at ng bumalik ito, walang kaabog-abog na pinagbabaril si Yabut ng anim na ulit gamit ang kanyang .45 caliber pistol.
Pagkatapos ng insidente, hindi na muling nakita si Purificacion at hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagtatago nito.
Pakiramdam ni Castrillo na maari silang patayin nitong suspect at pati na rin ang kanyang pamilya. Sa ngayon, matinding pag-iingat ang ginagawa ni Castrillo para maiwasan na sila naman ang isunod ng suspect.
Ayon pa rin kay Castrillo, si Purificacion diumano ay galing Mindanao at maaring war shocked kaya nagawa niya ito. Murder ay isang heinous crime na ang kaparusahan ay KAMATAYAN thru Lethal Injection.
Si Castrillo ay isa sa mga National Artist natin dito sa bansa na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa kanyang paggawa ng mga sculptures at patuloy na umaani ng karangalan para sa ating bayan. Ang nangyayari, hindi ito makapag trabaho ng maayos mula ng mangyari ang patayan dahil hindi pa nga naman nahuhuli si Purificacion.
Nabinbin ang kaso laban kay Purificacion dahil na rin sa hindi kumilos agad ang NBI-Cavite sa pamumuno ni Danielito Lalusis. Ito ay ikinadismaya ng magkapatid na Kym at Michelle, mga babaeng anak ni Melvin.
"Nagpapasamat kami kay RD Arugay na matapos ang matagal na panahon, nasampahan na rin ng kaso si Purificacion. Nagbabalik muli ang tiwala namin sa NBI," wika ni Kym Yabut.
Mas lalong maganda kung mahuli agad itong si Feliciano Purificacion, Jr., upang panindigan niya ang kanyang kasalanan. Either way, kapag hindi naman siya sumuko, maaring mapatay din siya sa kanyang pagtatago. Mahuli siya, bitay naman siya.
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG TUMAWAG SA 7788442. MAARI DIN KAYONG MAGTEXT SA 09213263166.