Una sa lahat, nais kitang batiin sa pagkapili sa inyo bilang DENR Secretary.
Nabalitaan ko ang inyong programa sa Pag-IBIG Overseas Program. Interesadong-interesado ako dahil matagal na akong nagtatrabaho dito sa Japan ngunit wala pa akong naipundar na bahay para sa aking pamilya. Sana bago ka umalis ng Housing ay mabigyan mo ako ng konting impormasyon kung paano ang tungkol sa pag-IBIG Overseas Program. Aabangan ang iyong sagot dito sa Pilipino Star NGAYON.
Sana pagpalain ka ng Diyos at patuloy na magsilbi sa taumbayan bilang bagong Secretary ng DENR. Cynthia ng Guam
Sa ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa, maari kayong maging miyembro ng Pag-IBIG Fund sa ilalim ng Pag-IBIG Overseas Program. Maari kayong mag-surf sa ating website, www.pagibigoverseas.com, o pumunta sa mga Consulate Offices sa inyong lugar kung saan may nakatalaga na kawani ng Pag-IBIG.
Maari kayong magdownload ng Members Data Form sa nasabing website at magbayad ng buwanang kontribusyon sa mga banking accredited ng Pag-IBIG Fund.
Ang halaga ng buwanang kontribusyon ay batay sa kabuuang halaga ng buwanang sahod:
US$ 1000 at mas mababa US$20
Mahigit US$1000-$2000 US$40
Maaari din po kayong magbayad ng peso batay sa halaga ng dolyar sa araw ng inyong pagdeposito.
Sa pagkatalaga sa akin ni President Arroyo bilang DENR Secretary nais ko kayong imbitahan na subaybayan ang ating sama-samang pagkakaisa sa iisang adhikain na ingatan ang ating kalikasan at ang yamang lupa.