^

PSN Opinyon

P1-diesel discount bawiin sa SUVs

SAPOL - Jarius Bondoc -
RESONABLE ang hiling ng jeepney drivers. Hindi sila hihingi ng bagong taas-pasahe kung itutuloy ang diesel discount na P1 kada litro. ‘Yung discount mula sa Petron stations ang pumigil sa kanila na magtaas-pasahe nang tatlo’t kalahating taon miski naka-16 na taas-presyo na ang krudo. Kahit papano, napagkasya nila ang kapiranggot na kita–P50-P150 kada 10-12 oras na pasada-dahil sa konting natipid sa diesel.

Pero tinamaan na naman sila ng indulto nitong Hunyo. Katataas-pasahe pa lang, ilang ulit na naman nagtaas-presyo ng langis. Kumbaga, ngayon lang sana sila babawi, naudlot pa. Balik sila sa dating isang kahig-isang tukang buhay.

Para makahulagpos sa kahirapan, sana hindi lang Petron ang magbigay ng P1 discount sa diesel, kundi lahat ng gasolinahan din ng Shell, Total, Unioil, Flying V, at iba pa. At dapat, hindi lang sa diesel kundi pati sa regular gasoline. Kasi sa maraming bahagi ng Visayas at Mindanao, gasoline imbes na diesel ang kinakarga ng tinatawag na multicabs.

Bawiin na lang ng gas stations ang discounts sa jeepneys mula sa private vehicles, lalo na sa sports utility vans ng mayayaman.

Madaling ipatupad ang discounts. Basta may plakang dilaw at itim ang jeepney, areglado na sa mas murang singil sa diesel at gasoline. Kung walang plaka, walang discount; magpa-rehistro muna ang driver-operator bilang public utility. Hindi rin puwede ang fake na plaka o kaya bitbit na drum; dapat jeepney mismo ang papasok sa filling station.

Sa mga pribadong sasakyan naman, itaas ang presyo nang 25-30¢ kada litro. Sa dami nila, mapupunuan na ang P1 discount sa jeepneys. Kaya nila ito; nakabili nga sila ng kotse.

Puwede ring bigyan ng discount ang government vehicles na may plakang pula’t puti, pero sa kondisyong ibebenta nila ang makonsumong SUVs. Kung mainggit ang bus operators at truckers, e di mag-switch sila sa compressed natural gas na P9 lang kada litro at matagal nang tinutulak ng Department of Energy. Patas-patas lang sa hirap at ginhawa.

vuukle comment

BALIK

BAWIIN

DEPARTMENT OF ENERGY

DIESEL

DISCOUNT

FLYING V

LANG

PETRON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with