^

PSN Opinyon

Paging General Aglipay, Sir!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SI SPO1 Boy Palyado, este mali, Pelya pala ng WPD-PS8 ay gustong ipinasisibak sa serbisyo ng mga kapitbahay nito sa Sta. Mesa dahil sa umano’y panliligalig sa kanilang pamayanan.

Sa sumbong na nakarating sa mga kuwago ng ORA MISMO, wala umanong "breeding" ang pulis na ito. Ika nga, arogante sa mga totoong tao.

Hindi naman makapiyok ang mga residenteng nagrereklamo dito dahil sa takot na baka sila bogahin ng boga na pumapalya ni Palyado, este mali, Pelya pala.

Kabilang sa mga nagreklamo sa mga kuwago ng ORA MISMO ay mga taga-Brgy. 587-A, Zone 58 diyan sa V. Mapa sa Sta. Mesa, Manila versus Palyado, este mali, Pelya pala, dahil abusado raw ito sa pagpapaharurot ng kanyang sasakyang pumapalya habang nasa makitid nilang kalye, pagbabanta umano sa ilang kapitbahay, kasama rito ang ilang mga opisyales ng barangay at may pagka-bastos umano kung makitungo sa tao.

Ang di lang alam ni Chairman Ikeng Babista, kung alam ng bossing ni Palyado, este mali, Pelya pala, na si Sr. Supt. Abad Pusit, ay mali, Osit pala, ang ginagawa ng una.

Ito ang magandang sample sa Oplan TABA ni PNP bossing Egay Aglipay.

Ang Oplan TAMAD ni Egay, ay Tamad, Arogante, Bastos, Ayaw-padisiplina na rakpadudels.

Sabi nga, walang karapatang magsuot ng uniporme ng pig-oy! He-he-he!

Dapat balik-training si Palyado, este mali, Pelya pala kung ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin. PNP bossing Egay Aglipay, Sir.

"Matandang lespu na ba si Palyado, este mali, Pelya pala?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Yata," sagot ng kuwagong mangongotong sa WPD.

"Mukhang walang pinagkatandaan si Palyado, este mali, Pelya pala."

"Baka naimpluwensiyahan ito ng bossing niya?" anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Ano ang magandang gawin kay Palyado, este mali, Pelya pala?

"Si Aglipay na ang bahala sa kanya."

vuukle comment

ABAD PUSIT

ANG OPLAN

EGAY AGLIPAY

ESTE

MALI

PALA

PALYADO

PELYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with