Postponed muna ang demokrasya !
August 25, 2004 | 12:00am
POSTPONED MUNA ANG DEMOKRASYA!
HINDI NA DAW MUNA MATUTULOY ANG ELEKSYON SA ARMM (AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO). MATATANDAANG MINSAN NA ITONG NABINBIN DAHIL SA MGA KAGULUHANG NAGAGANAP DOON. PERO NGAYON, IBA NA ANG DAHILAN.
ANG MALALA PA DITO HINDI LANG ANG ELEKSYON SA ARMM ANG MAUUNSYAMI. MAY BALITANG KUMAKALAT NA PATI ANG ELEKSYON PARA SA SANGGUNIANG KABATAAN O SK AT PARA SA MGA BARANGAY OFFICIALS AY HINDI RIN MATUTULOY NA DAPAT SANAY SA SUSUNOD NA TAON.
Ang tanong . . . BAKIT ?!!!
Simple lang ang tugon ng Kongreso dyan . . . WALANG BUDGET!!! Kumporme ba tayo dun mga kababayan?
Alam natin at lalong alam ng mga mambabatas sa Kongreso na tuwing 3 taon ay ginaganap yang halalan sa baranggay level, bakit ngayon biglang walang budget ?
"Does this mean to say we cant afford democracy?"
Sadsad na nga ang ekonomiya (at patuloy pa sa pagbulusok pababa!), pabagsak din ang moralidad, pati ba naman yung demokrasyang ilang beses na nating ipinakipaglaban, ibabagsak pa rin (o na naman!)
"What role does the barangay play in the LGUs? Hindi ba ang barangay ang basic unit of government?"
Kung dito pa lang hindi na mapanghawakan ng gobyerno paano pa sa mas malawak na level of governance? Alam na alam naman natin na sa bawat taon palaki nang palaki ang budget deficit ng gobyerno, hindi na nga bumaba yan eh! Baka naman sa susunod pati yung eleksyon sa Kongreso ma-postpone na rin dahil wala ring pera para dito? Imposible pa ba yon kung sakaling hindi nga matuloy ang barangay elections sa susunod na taon? Hindi ba malinaw kung gaano ka halaga ang barangay sa isang Municipality o City?
Ang mas malaking katarantaduhan ay ang balak hindi lang ipostpone ang barangay eleksyon, gusto pa yatang tuluyan ng tanggalin?
May mga alingasngas tayong narinig na may mga nagpapanukala na huwag na daw magsagawa ng baranggay elections. Masyado daw malaki ang nagagastos ng gobyerno dito. At sa halip gawin na lang "diumano" na appointees ng mga Mayor ang mga baranggay officials.
"Thats a stupid proposal! How can we protect the barangays independence when this happens?"
No wonder, isa si COMELEC Chair Ben Abalos sa mga proponent ng panukalang ito. Sa isang interview kasi sinabi ni Abalos na talaga namang kung walang suporta ng mayor ay malabong manalo ang isang baranggay chairman. Nag comment ang host ng progaram kung saan guest itong si Abalos na nakakatakot ang magiging kapangyarihan ng mayor kung mangyayaring i-aapoint na lang niya ang mga barangay officials.
Walang anumang kahahatungan ito. Papatayin lang nila ang karapatan ng tao na pumili ng dapat na mamuno sa kanila. Gaya nga ng nasabi ko na kanina, itong mga baranggay ang basic form ng gobyerno. Ang mga opisyal ng barangay ang higit na nakakaalam ng tunay na kalagayan ng taumbayan dahil sila ang nakadikit at pinakamalapit. Kung mga mayor na lang ang pipili ng mga lingkod sa bawat baranggay, may posibilidad na ang paglingkuran ng mga opisyal ng baranggay ay ang mayor at hindi ang nasasakupan niya dahil ang utang na loob niya ay dun sa naglagay sa kanya sa puwesto.
Bago pa ba naman ang argumento na yan? Di bat yan din ang ibinabato sa presidente at sa mga appointees niya and vice versa. Isa pa, hindi malayo na ito ang magtuloy ng pamamayagpag ng political dynasties sa bansa. Sino nga ba ang mga tumatakbong SK Chairman at mga barangay kagawad at Captain, hindi bat puro pamilyar sa tenga ang mga apelyido nila. Bago pa ba na ginagawa nilang stepping stone yang barangay level para sa mas mataas na posisyon sa hinaharap ? May eleksyon pa yon ha, paano na kung appointed na lang ng mga mayor? Sila-sila na lang talaga! Sabi nga nung host na nag-interview kay Abalos, malamang puro Abalos na lang ang baranggay officials sa Mandaluyong.
Kayo payag ba kayo dyan? Na hindi na matuloy ang eleksyon sa barangay? O payag kaya kayo na wag na lang eleksyon at si Mayor na lang ang bahala? Siya na lang ang mag-aappoint ng inyong mga barangay officials, payag ka?
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAAARI KAYONG TUMAWAG SA 7788442. PUWEDE RIN KAYONG MAG-TEXT SA 09213263166.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended