^

PSN Opinyon

Alay sa PGH

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ILULUNSAD sa Biyernes (August 20) ang ‘‘Alay sa PGH. Ayon sa socio-civic leader na si Ms. Lolita Escobar-Mirpuri, ang ‘‘Alay Sa PGH’’ ay isang humanitarian and charitable project na may kinalaman sa pag-likom ng pondo para sa mahihirap na pasyente. Si Lolita ay madalas na kasama sa mga outreach programs ng Global Public Service Foundation sa iba’t ibang dako ng bansa. Chairpersons ng ‘‘Alay Sa PGH’’ si Dir. Merle Perez. Magtatalumpati sa grand launching si Dr. Gregorio T. Alviar, pangulo ng PGH Medical Foundation at si Congressman Teodoro L. Locsin ng unang distrito ng Makati City.

Sinabi ni Lolita na layunin ng ‘‘Alay Sa PGH’’ na makapagbigay ng quality health care sa mahihirap batay sa in-patient, out-patient basis. Susuportahan din nito ang komprehensibong program para sa emergency me-dical surgery na kinabibilangan ng medisina para sa pediatric, EENT, OB Gyne, Trauma, Psychiatric, ortophedic at Cancer.

Pararangalan din sa pagdiriwang ang mga ‘‘ceremonial donors.’’ Sila ang mga naghandog ng pera at ibang donations kaugnay ng proyektong ito.

Sinabi ni Lolita na ngayon ay abala na sila sa paghahanda ng malaking project na pinamagatang ‘‘A Night of Fashion and Music’’ na tampok ang magagandang likha ng top Pilipino coutorier na si Pitoy Moreno.

A NIGHT OF FASHION AND MUSIC

ALAY SA

CONGRESSMAN TEODORO L

DR. GREGORIO T

GLOBAL PUBLIC SERVICE FOUNDATION

LOLITA

MAKATI CITY

MEDICAL FOUNDATION

MERLE PEREZ

MS. LOLITA ESCOBAR-MIRPURI

PITOY MORENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with