Isa sa nakikibahagi ng kanyang kaalaman ay ang leading optometrist na si Dr. Fe Flores-Cataquiz na ang paksa ay tungkol sa optical at contact lenses. Ayon kay Dr. Cataquiz, maraming klaseng lente ang pamimilian. Sa mga ordinaryong grado ay simple vision lang at matipid samantalang ang special lenses ay mas mahal. Sa may mataas na grado ay makapal ang tabas ng lente, may manipis na tabas (ultra thin) na lente at may mga anti-glaring lens din para sa araw at sa mga mahilig mag-computer.
Ang contact lens ay gamit ng mga ayaw magsuot ng salamin sa mata. May ibat ibang grado rin ang contact lenses na pwedeng may kulay o wala. Ang mga colored contact lenses ay maraming kulay na pamimilian gaya ng blue, hazel brown, aqua green, gray at iba pa. Sa karagdagang kaalaman tungkol sa optical contact lenses, tumawag sa Flores-Cataquiz Optical Clinic, 532-9015 at hanapin sina Dr. Elena V. Santos at Noel Ebia.