^

PSN Opinyon

Sight Saving month ngayon

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MAY ginanap na seminar ngayon sa Manila Central University Hospital sa Caloocan City tungkol sa wastong pangangalaga ng mga mata. Ito ay bilang bahagi ng obserbasyon ng Sight Saving Month.

Isa sa nakikibahagi ng kanyang kaalaman ay ang leading optometrist na si Dr. Fe Flores-Cataquiz na ang paksa ay tungkol sa optical at contact lenses. Ayon kay Dr. Cataquiz, maraming klaseng lente ang pamimilian. Sa mga ordinaryong grado ay simple vision lang at matipid samantalang ang special lenses ay mas mahal. Sa may mataas na grado ay makapal ang tabas ng lente, may manipis na tabas (ultra thin) na lente at may mga anti-glaring lens din para sa araw at sa mga mahilig mag-computer.

Ang contact lens ay gamit ng mga ayaw magsuot ng salamin sa mata. May iba’t ibang grado rin ang contact lenses na pwedeng may kulay o wala. Ang mga colored contact lenses ay maraming kulay na pamimilian gaya ng blue, hazel brown, aqua green, gray at iba pa. Sa karagdagang kaalaman tungkol sa optical contact lenses, tumawag sa Flores-Cataquiz Optical Clinic, 532-9015 at hanapin sina Dr. Elena V. Santos at Noel Ebia.

AYON

CALOOCAN CITY

DR. CATAQUIZ

DR. ELENA V

DR. FE FLORES-CATAQUIZ

FLORES-CATAQUIZ OPTICAL CLINIC

ISA

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

NOEL EBIA

SIGHT SAVING MONTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with