Katanungan sa Community Mortgage Program (Una sa bahagi)

Dear Sec. Mike Defensor,

Kami ng aking pamilya ay nakatira sa isang lugar dito sa Bulacan na pag-aari ng isang negosyante. Kasama namin ang mahigit 50 pamilya na may tatlong taon nang naninirahan sa lugar na ito. Maayos naman po ang aming usapan ng may-ari at handa po siyang ibenta sa amin ang lupa kapag may sapat na po kaming pambayad.

Ang amin pong problema ay kung saan kukuha ng pandagdag sa aming nalikom na pondo ng aming asosasyon na pambili ng lupa. Minsan po ay may nabasa ako tungkol sa Community Mortgage Program ng gobyerno. Maaari po ba kaming maging benepisyaryo ng programang ito? – LITO BALTAZAR


Ang Community Mortgage Program(CMP) ang angkop na programa ng gobyerno para sa mga pamilya o komunidad na nakatira sa pribadong lupain na hindi nila pag-aari. Sa ilalim ng CMP, magkakaroon ng pagkakataon ang mga pamilya at mga komunidad na ito na bilhin ang lupang kanilang tinitirahan sa pamamagitan ng pautang mula sa gobyerno.

Sa inyong kaso ay magiging mabilis na ang proseso sapagkat meron na kayong asosasyon at may nalikom na ring pondo na maaaring dagdagan ng pautang mula sa CMP. Ang pautang mula sa CMP ay maaaring gamitin sa pagbili ng lupa, land/site development at maging house construction/improvement.

(Itutuloy)

Show comments