^

PSN Opinyon

"PAGCOR at ang basketball ending..."

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
SI DOJ SECRETARY MERCEDITAS GUTIERREZ NAGBIGAY NG SUGGESTION NA IPAGBAWAL DAW ANG PAGDALA NG CELLPHONE SA MGA ESKWELAHAN PARA MAIWASAN ANG GAMBLING THROUGH TEXT MESSAGING PARA MAIIWAS ANG ATING MGA KABATAAN SA BISYO NG SUGAL SA ENDING NG BASKETBALL GAMES.

While you’re at it Sec. Gutierrez, bakit hindi mo na rin ipagbawal ang paggamit ng INTERNET dahil may mas malaki at talamak na form of gambling dulot nito. Sponsored ito ng walang iba, kundi ang PAGCOR.

Tinatawagan ko ng pansin ang lahat ng CAUSE ORIENTED GROUPS, ang Catholic Church (CBCP), upang labanan ang ganitong uri ng pagsusugal na ipinatutupad ng PAGCOR at ng PHILWEB, na kinomisyon nila upang patakbuhin ang internet gambling na ito.

ENDING ng mga basketball games ang siste. Yung last two digits ng final score ng game. Dating palarong kanto ginawang nationwide at high-tech.

Ang nakakainis nito, kapag nag-log on ka sa internet, aagawin nang advertisement ng PAGCOR, na nakasulat, "WIN MILLIONS WHILE WATCHING YOUR FAVORITE BASKETBALL GAMES."

UAAP, NCAA, PBA at NBA. Grabe na ‘to.

Pati anak mo na nagsu-surf sa internet para gawin ang kanyang assignment at kumuha ng reference, susubukan tuksuhin, enganyo ng mga nasa likod nitong uri ng sugal.

Gambling is not in the schools and done through mobile phones alone, in has successfully managed to invade the privacy of our homes and bedrooms through the computer and the cyberspace.

Maraming salamat sa iyo, PAGCOR. The PCIJ should investigate for themselves. Check out the website of PAGCOR and you will see what I mean. Tignan n’yo din at baka anak n’yo ay natukso na dito.

Bakit ko binabakbakan ito? Simple lamang. Mga estudyante ang target nitong larong ito. Students from schools belonging to the University Atheletic Association of the Philippines.

Basketball teams nila ang pinagsasabong ng PAGCOR at maari kayong pumusta sa ending ng kanilang mga laro. Bukas, may laro ang UAAP. Pwede nyong pustahan ang game ng Ateneo de Manila University versus University of the East. Halinhinan nito ang NCAA naman. Disgusting!

PLAINVIEW DOCTRINE. Kahit na anong sabihin ng mga taga PAGCOR, hindi pa rin nila ma-reregulate ito dahil hindi naman nila nakikita ang mga taong tumataya sa internet kung sila nga ay 21 yrs-old o hindi. Paano mo makikita nasa likod ng computer.

Magfifill-up ka ng information sheet sa computer at ilalagay mo lang ang credit card number ng iyong tatay o nanay at maari ka nang tumaya ng libo-libo at wala namang pakialam itong PAGCOR para i-verify kung ikaw nga ay 21 yrs. old o hindi. Kung sa inyo yung credit card o sa magulang mo. (Paano yung mga anak natin na may extension cards?) Bibigyan kayo ng account number, hala bira, sugal na hanggang gusto mo.

The implementation sucks. They practically grab the internet time from you while you are logged on to flash their luring advertisements. What will they think of next?

May nagcomment nga sa akin via email na nanay na "Kung pwedeng pagkakitaan ang laban ng gagamba o ipis, gagawin ng mga ito para makuha lang ang pera ni Juan."

"EVEN THE SUPREME COURT CANNOT STOP INTERNET BETTING…" Ito ay statement ng isang tao na mataas ang pwesto sa PAGCOR. Ganun ba? Hamon ito sa Korte Suprema na ipaglaban ang ating kapakanan. Legally, maaring tama ang sinasabi mo. Subalit morally, ano ba ang ginagawa ng PAGCOR sa ating mga kabataan? Wala ba kayong moral obligation sa ating mga kababayan? Sa ating mga kabataan?

DOJ Secretary Merceditas Gutierrez, bakit hindi mo gibain itong systema na ipinatutupad ng PAGCOR through internet betting? Kaya mo ba? Tigilan mo na ang pagbabawal ng cell phones na dinadala sa eskwela ng aming mga anak. Ito ang pag-initan mo!

Hindi pa nagtatagal ang mga nagsusumigaw na headlines dahil sa pagbabarilan ng mga anak ng prominenteng tao, tulad ng pamilya Jaworski at Yap, dahil na rin sa pustahan sa baketball ending. Ano na nga pala ang nangyari na sa kasong ito? May mga mabibigat na salita pa itong si Rep. Dudut Jaworski na parang hango sa pelikula ng kanyang lolo na si Ramon Revilla, Sr., na "you better get a good lawyer…you will need it!" payo sa mga Yap’s dahil sa barilang naganap sa pagitan ng dalawang pamilya.

Mga kaibigan, huwag po natin hayaan na lumaganap ang ganitong uri ng sugal sa ating lipunan. Sa ating tahanan. Sa mismong computer at internet na ginagamit ng ating mga anak. Magkaisa tayo at ipakita sa mga taga PAGCOR at PHILWEB na hindi tayo papayag na huthutin nila ang pera ng mga anak natin sa pamamagitan ng INTERNET BETTING ng ending sa basketball game.

Nasa second round na ng UAAP at NCAA ngayon. Patuloy ang palaro ng PAGCOR sa ending. Tapos nito PBA naman.

Sa November hanggang March NBA naman. Aba, walang tigil na sugalan. Wala na bang magagawa ang mga mambabatas? Kung ganun, tayong mga mamayan ang dapat ng kumilos. Sino ba ang mga nasa likod nito. PAGCOR lang ba talaga. Sino-sino ang nasa likod ng PHILWEB? Sobrang lakas naman ninyo sa administrasyon at pinayagan kayo ng ganitong uri ng pasugal.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAG-TEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

ANAK

ATING

CATHOLIC CHURCH

DUDUT JAWORSKI

INTERNET

PAGCOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with