Hangga't may magpapaloko may manloloko
August 11, 2004 | 12:00am
Sari-saring mga modus at ibat ibang uri ng panggagantso ang nagkalat sa Cubao. Karamihan halos sa kanilang istilo ay panahon pa nila kopong-kopong! Pero isa lamang ang panawagan ng kolum na ito, hanggat may magpapaloko may manloloko!
Una nang nahulog sa BITAG ang grupo ng "Zesto gang" na gumagala at nag-aalok kuno ng mga juice sa loob ng bus. Istilo ng Zesto gang ang mag-asta bilang konduktor. At oras na magbigay ka ng pera, hulog ka sa BITAG ng kanilang katarantaduhan!
Sangkaterbang tips at reklamo pa ang aming natatanggap hingil sa nagkalat na modus sa Aurora, Cubao. Isa pang ibinigay sa aming tip ang "Lighter Gang". Target ng grupong ito ang mga probinsyanong bagong salta lamang sa Maynila.
Istilo ng grupong ito ang mag-alok ng lighter sa kanilang "prospect", at sa oras na hindi ka bumili ng kanilang panindang lighter, tututukan na nila ng patalim at gigipitin ang kanilang biktima na bilhin ang kanilang lighter sa halagang limang daang piso.
Wala ring pinagkaiba ang modus na ito sa "Alahas gang". Target daw ng mga maskuladong tindero ng alahas ang mga kawawang kababaihang dumadaan sa Aurora, Cubao. Tatakutin at pipilitin ng mga tinderong ito na bilhin ang kanilang alahas.
Hindi na rin bago ang "Laglag Bimpo Gang", istilo nitong grupong ito na maglaglag ng bimpo o labakara sa harap ng kanilang biktima, at oras damputin ito, umpisa na ang mga sindikatong dukutan ang kanilang biktima.
Ilan lamang ang mga ganitong modus sa bawat sulok ng Cubao. Nasa inyo ang pag-iingat, nasa sa amin ang babala nang makaiwas kayo. Inuulit lamang namin, hindi magtatagumpay ang mga ganitong uri ng panloloko kung hindi kayo magpapaloko!
BITAG hotline numbers, para sa mga NAABUSO, NAAAPI, at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uring katiwalian, I-text (0918) 9346417 tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, "BITAG".
Una nang nahulog sa BITAG ang grupo ng "Zesto gang" na gumagala at nag-aalok kuno ng mga juice sa loob ng bus. Istilo ng Zesto gang ang mag-asta bilang konduktor. At oras na magbigay ka ng pera, hulog ka sa BITAG ng kanilang katarantaduhan!
Sangkaterbang tips at reklamo pa ang aming natatanggap hingil sa nagkalat na modus sa Aurora, Cubao. Isa pang ibinigay sa aming tip ang "Lighter Gang". Target ng grupong ito ang mga probinsyanong bagong salta lamang sa Maynila.
Istilo ng grupong ito ang mag-alok ng lighter sa kanilang "prospect", at sa oras na hindi ka bumili ng kanilang panindang lighter, tututukan na nila ng patalim at gigipitin ang kanilang biktima na bilhin ang kanilang lighter sa halagang limang daang piso.
Wala ring pinagkaiba ang modus na ito sa "Alahas gang". Target daw ng mga maskuladong tindero ng alahas ang mga kawawang kababaihang dumadaan sa Aurora, Cubao. Tatakutin at pipilitin ng mga tinderong ito na bilhin ang kanilang alahas.
Hindi na rin bago ang "Laglag Bimpo Gang", istilo nitong grupong ito na maglaglag ng bimpo o labakara sa harap ng kanilang biktima, at oras damputin ito, umpisa na ang mga sindikatong dukutan ang kanilang biktima.
Ilan lamang ang mga ganitong modus sa bawat sulok ng Cubao. Nasa inyo ang pag-iingat, nasa sa amin ang babala nang makaiwas kayo. Inuulit lamang namin, hindi magtatagumpay ang mga ganitong uri ng panloloko kung hindi kayo magpapaloko!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended