OFW na gumaling sa sakit

BILANG isang volunteer public servant, ako ay labis na nasisiyahan dahil naging daan ang column na ito tungkol sa Jade Nano-Cera Mattress sa paggaling ng mga may sakit na overseas Filipino workers (OFWs).

Kabilang sa kanila si Felix San Luis na nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Sampung taon na siyang pinahihirapan ng almoranas at takot magpaopera. Nabasa niya ang tungkol sa miracle mat sa PSN kaya nang magbakasyon sa Pilipinas ay agad nagpunta sa klinika ni Dr. Romy Orteza sa Santa Teresita General Hospital sa Quezon City. Naka-apat na higa lang siya sa Jade Nano-Cera Mattress ay gumaling na ang kanyang almoranas.

Si Norma Barromeo Benhardt, 60, taga-Toronto, Canada ay matagal nang may osteoarthritis. Isang kapatid ang nagpayo sa kanyang magbakasyon sa Pinas at magpagamot kay Dr. Orteza. Tatlong session lang ay gumaling na si Norma. Gumaling naman ang hika ni Thelma Hernandez Collins na Seattle, Washington.

Si Francisco Uypanco, 48, ay nagtatrabaho sa Kuwait. Madalas siyang mahilo, sinisikmura at may ugong sa loob ng kanyang taynga. Nag-vacation leave siya sa Pilipinas at kumunsulta kay Dr. Orteza.

Show comments