"Fiscal Lagrimas Agaran !"
August 4, 2004 | 12:00am
NUNG LUNES, NASABI KO NA IPAGPAPATULOY KO ANG PAGTATALAKAY NG PAG I-INHIBIT NI STATE PROSECUTOR LAGRIMAS AGARAN SA KASONG KINASANGKUTAN NI STA, CRUZ MAYOR, PERCIVAL MORALES NA INIHAIN NG DSWD DAHIL SA REKLAMO NG ISANG 16 YR.OLD NA MENOR-DE-EDAD PARA SA KASONG RAPE.
Nung July 22, sa isang hearing ini-set ni Prosec. Agaran inihayag niya sa mga counsels na prosecution at defense sinabi niya ito, Nilagay rin niya sa minutes ng hearing na pinirmahan ng mga dumalo. Lubha daw siyang naapektuhan ng lumabas sa dyaryo.
Inuulit ko Fiscal Agaran. Tanong, bakit ka pumayag na I-reset ang hearing ng ganun katagal , mula April 12 to May 27? Alam naman nating lahat na si Mayor Morales ay isang re-electionist at ang elections ay gaganapin sa May 10, 2004. Binigyan ba ni Fiscal Agaran ng isang accommodation itong si Mayor Morales para siya ay mangampanya (nanalo nga pala, ito.) at palampasin ang eleksyon.
Marami ang nagtaas kilay na kilala kong prosecutor din at mga abogado ng mabasa nila na si Fiscal Agaran mismo ang humanap at tumawag sa abogado nung bata ng DSWD na si Atty. Minerva Ambrosio para kausapin kung okay ba sa kanya ang resetting. Alam din natin na ang desk ng isang prosecutor ay puno ng papeles ng mga kaso na kanyang hinahawakan. Naging practice mo na ba ito, Fiscal Agaran to personally call on the attorneys in a case to seek their approval.
What makes this case exceptional? A 64$ question which only Fiscal Agaran can shed light. A prosecutors task is to resolve a preliminary investigation as soon as possible.
Kung mababasa mo lang ang mga text messages na ipinadala sa inyong lingkod tungkol sa mga reactions ng ating mambabasa, baka maiyak ka Fiscal Agaran. Karamihan naman kasi ay libelous at may malice. Tayo naman ay nagtatanong lang. Walang malisya. Trabaho lamang.
Gaya ng dapat na ring tanungin itong si Atty. Ambrosio kung bakit siya pumayag? Sabi niya sa akin, "call daw yun ni Prosec Agaran." Pero Atty. Ambrosio, unang angal na nga nung father ng victim ay isang beses ka lang daw sumipot sa dami ng mga set hearings. Sumagot agad si Atty. Ambrosio na marami daw siyang kasong hinahawakan sa DSWD at marami daw cases siyang hawak. Oo nga naman, pro bono o libre ang services ng isang abogado ng DSWD.
A deep sense of commitment meron ang mga abogadong ito kaya tinatanggap nila. Dapat ba silang ipagpatayo ng monumento?
May kasabihan na "one should be wary of people who practically work for nothing. For in the end, thats what you exactly get NOTHING. Siyempre hindi nag-aapply ito kay Atty Ambrosio. Hindi ba June?!?
Lets go back to the main story. Atty. Ambrosio, dahil daw sa iyong seeming lackadaisical attitude towards the case (ibig sabihin nung kulang ka sa asim na ipaglaban ito, diumano.) kumuha ng isang abogado ang pamilya ng biktima na si Atty. Ferrer para dun sa May 27 set hearing.
Hindi na raw kasi nagsisipot si Atty. Ambrosio, (malalaman naman ni Secretary Dinky Soliman kung totoo nga ito. Pakuha lang ang minutes ng mga hearings at bilangin ilang beses sumipot itong si Atty. June sa I.S. No. 2004-144.)
Matapos mag-inhibit itong si Fiscal Agaran nung July 22, biglang nag-iba ang hangin. Lumutang ang balita na gusto na raw makipag-ayos ang pamilya ng biktima sa kasong ito. Mag-eexecute na daw ng "Affidavit of Desistance."
Mga kaibigan, ang karaniwang nilalaman ng isang "affidavit of desistance" ay ang mga kataga mula sa biktima na, "matapos kong pag-isipan ang lahat, nalaman kong nagkaroon lang ng di pagkakaunawaan at akoy naguguluhan blah blah.."
Ano ang pananaw ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuno tungkol sa mga ganitong affidavit? "We frown and even the court frowns on affidavits of desistance, most specially if they are cases involving minors." Bakit, dahil kadalasan daw may milagrong nangyayari.
Nung Linggo matapos na mag-inihibit si Fiscal Agaran, nagpunta agad ang Ama, Ina, lola (buti wala yung aso) at may kasama pang tatlong kamag-anak ng biktima. Ayon sa aming source may dalang isang "affidavit of desistance." Papipirmahin daw yung bata para maiurong ang kaso. Pinayagang pumasok sa loob ng Marilac, Alabang (DSWD) ang mga kamag-anak, ngunit ang mga taong nasa likod nitong move na ito ay naiwanan daw sa kanilang sasakyan sa isang gas station malapit sa DSWD Alabang. Sino kaya sila?
"The girl has signed an involuntary commitment order with the DSWD. They cannot just make her sign any papers without our knowledge," mariing sinabi ni Atty. Ambrosio.
How in heavens name can they reconcile the girls affidavit na kanyang pinirmahan ng sampahan niya ng kaso ang sarili niyang ina dahil pineke daw nito ang kanyang pirma sa isang dokumento na nakikipag-ayos na sa kasong ito? Paano ang kanyang Sinumpaang Salaysay kung saan nakadetalye ang lahat na ifinile ni Atty. Ambrosio sa Quezon City prosecutors office nung July 7, 2004 lamang? Tahasang babangga ang anumang "affidavit of desistance" sa mga sinabi nitong biktima sa kanyang Sinumpaang Salaysay na naka-submit sa prosecutors office ng Quezon City.
Dapat malaman ng pamilya nitong bata ang mga "consequences" ng ganitong hakbang.
SA BIYERNES, tatalakayin ko ang kasong isinampa laban sa ina ng biktima ng kanyang sariling anak at ang mga ilang nilalaman ng kanyang Sinumpaang Salaysay. Abangan.
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAG-TEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended