Bahala Si Tulfo live sa tv mula Lunes hanggang Biyernes
July 28, 2004 | 12:00am
LAYUNIN ng BAHALA SI TULFO at BITAG na ipakita sa buong kapuluan ang aming mga babala sa mga kilos at galaw ng mga manloloko, manggagantsong sindikato at mandorobo ng ating lipunan.
Kaya naman bilang pagpapalawak ng aming serbisyo publiko, simula pa noong Hulyo 20, napapanood na ang programang BAHALA SI TULFO live sa UNTV, sabay napapakinggan sa DZME 1530, alas-9 hanggang alas-10 ng umaga.
Isang oras na talakayan, imbestigahan at serbisyo publiko ang hatid ng programang BAHALA SI TULFO sa UNTV at Radio DZME na extension ng BITAG sa patuloy na paglalantad ng mga katiwalian at panloloko.
Interactive ang programang ito dahil maaaring tumawag ang mga complainants kung saan puwedeng isangguni ang mga reklamo at problema na siya nating sosolusyunan sa pamamagitan ng matuwid na talakayan at malalim na imbestigasyon.
Tinatalakay din dito ang mga napapanahong isyung nasyonal at lokal. May segment na KILOS PRONTO para sa mga naapi at nabugbog at may mga live reports mula sa mga batikang reporters ng Radio DZME.
Ditoy ipinapakita namin ng buong-buo ang aming mga surveillance sa mga actual na modus at operasyon ng mga sindikato at manloloko upang hindi kayo maging biktima ng mga ito.
Ang programang ito ay babala na rin sa iba pang gumagawa at gagawa pa ng mga ilegal na aktibidades. Baka kayo na ang sumunod sa "hot seat" ng Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO at BITAG!
Ang UNTV ay mapapanood sa channel 37 at sa mga cable subscribers, ito ay mapapanood sa channel 95 ng Skycable, at channel 59 ng Homecable.
Subaybayan araw- araw, mula Lunes hanggang Biyernes ang tunay na makabuluhang investigative program na hindi kayang gayahin o pantayan ng iba sa larangan ng imbestigahan at sumbungan, live sa UNTV ang programang BAHALA SI TULFO!
BITAG hotline numbers, para sa mga NAABUSO, NAAAPI, at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uring katiwalian, I-text (0918) 9346417 tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, "BITAG"
Kaya naman bilang pagpapalawak ng aming serbisyo publiko, simula pa noong Hulyo 20, napapanood na ang programang BAHALA SI TULFO live sa UNTV, sabay napapakinggan sa DZME 1530, alas-9 hanggang alas-10 ng umaga.
Isang oras na talakayan, imbestigahan at serbisyo publiko ang hatid ng programang BAHALA SI TULFO sa UNTV at Radio DZME na extension ng BITAG sa patuloy na paglalantad ng mga katiwalian at panloloko.
Interactive ang programang ito dahil maaaring tumawag ang mga complainants kung saan puwedeng isangguni ang mga reklamo at problema na siya nating sosolusyunan sa pamamagitan ng matuwid na talakayan at malalim na imbestigasyon.
Tinatalakay din dito ang mga napapanahong isyung nasyonal at lokal. May segment na KILOS PRONTO para sa mga naapi at nabugbog at may mga live reports mula sa mga batikang reporters ng Radio DZME.
Ditoy ipinapakita namin ng buong-buo ang aming mga surveillance sa mga actual na modus at operasyon ng mga sindikato at manloloko upang hindi kayo maging biktima ng mga ito.
Ang programang ito ay babala na rin sa iba pang gumagawa at gagawa pa ng mga ilegal na aktibidades. Baka kayo na ang sumunod sa "hot seat" ng Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO at BITAG!
Ang UNTV ay mapapanood sa channel 37 at sa mga cable subscribers, ito ay mapapanood sa channel 95 ng Skycable, at channel 59 ng Homecable.
Subaybayan araw- araw, mula Lunes hanggang Biyernes ang tunay na makabuluhang investigative program na hindi kayang gayahin o pantayan ng iba sa larangan ng imbestigahan at sumbungan, live sa UNTV ang programang BAHALA SI TULFO!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended