^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 3 buwan lang ang mga 'bugok' sa PNP

-
HINDI kaya mapasubo si Interior Sec. Angelo Reyes sa pangako niyang tatlong buwan lang at mawawalis niya ang mga pulis na nanghuhulidap at kotongero? Mabigat ang pangakong ito. Maski si dating Interior Sec. Jose Lina ay hindi nangako nang ganito sa may tatlong taon niyang paghawak sa DILG. Ang tanging ipinangako ni Lina ay ang pagsawata sa jueteng kung saan sinabi niya na bigyan siya ng isang taon para mawala ito. Kung hindi raw masawata ay magre-resign siya at magpapaputol ng ulo. Hindi nagkaroon ng katuparan ang pangako ni Lina. Kailan lamang siya nag-resign para ituon na ang pansin sa kanyang pamilya. Walang nangyari sa kanyang pangako.

Ngayong si Reyes na ang DILG chief, ang mga pulis na "bugok" naman ang kanyang pinagtutuunan ng pansin. Mabuti naman at napagtuunan ng pansin ni Reyes ang mga masasamang gawain ng mga pulis na nagiging dahilan para hindi na sila pagtiwalaan ng taumbayan. Ngayon sa halip na lumapit ang taumbayan sa pulis para humingi ng tulong, nilalayuan sapagkat sa halip na tumulong ay sila pa ang bantay-salakay.

Dahil sa kabugukan ng mga miyembro ng PNP, nakatatakot na baka ang natitirang mabubuting "itlog" ay mahawa na rin nila. Karamihan sa mga bugok na pulis ay may mga ranggo lamang na PO1, PO2 at PO3. Mga bagito pa sila, pero matutulis na ang sungay at pangil sa paggawa ng kawalanghiyaan gaya ng panghuhulidap at pangongotong. Kamakailan, sinibak lahat ang mga pulis na naka-assign sa Cultural Center of the Philippines (CCP) dahil inireklamo ng pangongotong sa mga "couples" na nagde-date sa bisinidad ng nasabing lugar. Matagal nang nagaganap ang pangongotong sa nasabing lugar pero nakapagtatakang ngayon lang nabigyan ng atensiyon. Kung kailan marami nang napinsala ang 21 "bugok" na pulis.

Kung ano raw ang sinabi niya at ipinangako ay gagawin niya, ayon kay Reyes. Hindi raw niya hahayaan na ang kasamaan ng mga pulis na ito ay maging banta sa karaniwang tao. Gagawin daw niya ang lahat nang marahan pero sigurado.

Sana nga’y maging sigurado ang hakbang ni Reyes sa pagdurog sa mga "bugok" na pulis. Ang hindi nagawa ni Lina sana naman ay magawa niya. Ang hindi nagawa ng iba pang naging DILG chief sana naman ay trabahuhin niya para maibalik ang tiwala ng taumbayan sa kapulisan.

ANGELO REYES

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

INTERIOR SEC

JOSE LINA

NIYA

PULIS

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with