^

PSN Opinyon

"Patayan sa bahay ng isang national artist"

Panaginip Lang - Tony Calvento -
SI ED CASTRILLO, ISANG NATIONAL ARTIST. HINDI NA MABILANG ANG MGA PARANGAL DAHIL SA KANYANG MGA "SCULPTURAL WORKS" NA NAGKALAT HINDI LAMANG DITO SA PILIPINAS KUNDI SA BUONG MUNDO.

Nung isang taon, May 1, 2003, binulabog ang kanyang tahanan sa Molino, Bacoor, Cavite ng barilin ng kanyang driver na si Feliciano Purificacion, Jr., ng "Pasang Buwaya," Bacoor, Cavite ang kanyang matalik na kaibigan na si Melvin Yabut.

"Labor Day nun. Katatapos lamang maglaro ng mahjong. Kakain na kami. Biglang na-enggot itong si Jun Purificacion at pinagbabaril si Melvin," sinabi ni Castrillo sa isang eksclusibong panayam.

Katatapos lamang maglaro ang asawa, mother-in-law, kasama ang biktima at si Castrillo nang magpahanda na ng hapunan sila dahil lumalalim ang gabi. Panandaliang nagpunta si Castrillo sa comfort room para maghugas ng kamay ng makarinig siya ng sunod-sunod na putok.

"Naghuhugas ako ng kamay nun nang marinig ko ang tatlong putok na sunod-sunod. Agad kong naisip ang aking pamilya at tumakbong palabas. Nakita ko si Jun(Purificacion), may hawak na baril at binabaril ba rin si Melvin na nakabulagta na," kwento ni Castrillo.

Ano ang maaring dahilan at motibo para patayin ni Purificacion si Melvin Yabut?

Ayon kay Castrillo, si Melvin daw ay nakaupo nun at ang suspect ay galing sa labas ng kanyang 3 hectares na bahay niya. Pumasok sa loob at walang kaabog-abog na pinagbabaril si Melvin.

"Very peaceful, walang tension nung araw na yun. Katatapos lang mag-overtime ng aking mga tauhan. Nagpainom ako ng konting beer. There’s no reason for violence. Nandun ang mother-in-law ko. Ang asawa ko at pati na rin ang apo ko," paliwanag ni Castrillo.

Si Melvin Yabut, 62 yrs old, ayon sa medical report ng medico legal ay nagtamo ng anim na tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan. Karamihan dito ay sa ulo. Karamihan dito ay ng siya ay nakabulagta na at maaring patay na. Anong galit meron itong si Purificacion para gawin ito?

"This is the work of an insane man. Napatingin ako kay Jun at blangko expression niya. Nasabi ko lamang, Jun, bakit?" dagdag ni Castrillo.

Caliber .45 pistol daw ang ginamit sa pagpatay kay Melvin. Maaring patay na ito, binabaril pa rin ng suspect. In cold blood ang ginawang pataksil na pagpatay kay Melvin Yabut.

Sa pakiusap ng mga anak na babae ng biktimang si Melvin, na sina Kym at Kaye, sa tulong ni Nestor Mantaring ng NBI, nailipat ito sa NBI-Cavite, sa pamumuno ni Danielito Lalulis.

Hanggang ngayon, wala pa ring napa-file na kaso laban kay Feliciano Purificacion. Bakit? Aba ewan ko. Tanungin n’yo si Director Reynaldo Wycoco. Mas matagal pa ito sa usad pagong ba pagbibilang ng boto sa Senado.

Ikinwento ni Castrillo na ito raw si Jun Purificaccion ay maaring "war-shocked" dahil nanggaling ito sa Mindanao. Tatlong taon na itong nagseserbisyo para sa National Artist na ito subalit off and on daw.

"Wala naman akong nakitang kakaibang behavior nitong si Jun nung nagdadrive siya para sa akin. Hindi ko naman siya personal driver subalit nauutus-utusan siya sa pagsesrvice dito sa shop ko," ani Castrillo.

Sa ngayon, si Feliciano "Jun" Purificaccion, Jr., ang primary suspect sa kasong ito batay sa salayasay ni Ed Castrillo.

"Hindi na niya nirespeto ang bahay ko. Ang pamilya ko. Nasira ang katahimikan ng buhay namin dahil sa ginawa niya," mariing bigkas ni Castrillo.

Sa puntong ito, nais kong ipaabot kay Feliciano Purificacion, Jr., na mismong si RD Edmund Arugay ng NBI, National Capital Region ang gumagarantiya ng kanyang kaligtasan, makipag-ugnayan lamang siya sa NBI-NCR na ngayo’y mayhawak ng kaso ng pagpatay kay Melvin Yabut.

Sa ngayon, si Feliciano Purificacion, Jr., lamang ang nakakaalam kung ano ang dahilan at bakit niya pinatay si Melvin Yabut. Ang kanyang patuloy na pagtatago ay hindi makatutulong sa kanya. Kung hindi siya lulutang, siguradong LETHAL INJECTION ang haharapin niya.

BUKAS, SABADO, 6 TO 7 PM SA RPN 9, SA PROGRAMANG "ISUMBONG MO KAY TULFO," MAPAPANOOD ANG KABUUAN NG KASONG ITO. DITO LUMAPIT ANG PAMILYA NI MELVIN YABUT. HOSTED BY RAMON TULFO.

ANG KASONG ITO AY SINALIKSIK NI TINA YU, CHIEF OF REPORTERS NG PROGRAMANG AKING DINIDEREK PARA SA TELEBISYON.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS MAARI KAYONG TUMAWAG SA 7788442. MAARI DIN KAYONG MAGTEXT SA O9213263166.

CASTRILLO

CAVITE

FELICIANO PURIFICACION

KATATAPOS

KAY

MELVIN

MELVIN YABUT

PURIFICACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with