Silipin sana ito ni SOJ Gutierrez

NAKAKABAHALA ang exposé ng Sentro ng Gabay Legal-Kamaynilaan, samahan ng mga abogado. Tungkol ito sa Office of the City Prosecutor of Manila. Nagkaka-himala raw roon sa pagtrato sa Motions for Inhibition o Reconsideration. Imbis na raw i-raffle uli ang kaso, na dati nang rule, ina-assign na lang daw basta ni City Prosecutor Ramon Garcia sa piling assistants. Magbubunga raw ito ng abuso at corruption.

Bawat kasong idulog sa piskalya nira-raffle kung sinong piskal ang hahawak. Ito’y para walang palakasan ang naghahabla o hinahabla sa piskal. Pag-aaralan ito ng piskal kung isasampa sa korte o ibabasura. Kung sa palagay ng sino mang panig na di-makatarungan ang desisyon, o kaya’y may kinikilingan ang piskal, maari itong mag-motion for inhibition ng piskal. Ira-raffle dapat uli ang kaso. Isu-surrender ng unang piskal sa City Prosecutor lahat ng records ng kaso, miski kontra siya sa inhibition. Ipapaalam ito sa magkabilang partido. 

Angal ng mga abogado, hindi sinusunod ni Garcia ang procedure. Personal niyang pinipili ang substitute prosecutor na hahawak ng kaso hanggang sa matapos. Masama ito para sa litigants, at masama rin para sa imahe ni Garcia. Tila may maduming pakay siya, anang mayayamang Chinese-Filipinos na naghahabla sa Manila.

Isipin na lang kung may criminal o civil case na bilyon-piso ang sangkot. Magmo-motion for inhibition ang isang malakas na partido. Ipapasa ang kaso sa paboritong piskal, na maaring "inayos" na ng nag-motion. Siyempre, ang magiging desisyon ay pabor sa "nag-ayos". Baka pati hukom, kasabwatin ng "ayos" na piskal sa pamamagitan ng "parte". Kung ganyan nang ganyan, mawawalan ng natitirang tiwala sa hustisya ang Chinese-Filipinos, dahil magiging highest bidder ang labanan. Wala ring laban ang mahihirap na hindi makakapag-"ayos" ng piskal.

Justice Sec. Merceditas Gutierrez, may hugong-hugong na may fix-cal na taga-fix ng malalaking kaso sa Manila. Istambay daw ang fix-cal sa Seattle’s Best café, SM-Arroceros. Pakisilip po sana, Madame Secretary. 

Show comments