^

PSN Opinyon

Quezon City Assessor Teofisto Pajara, nakakasa na ang aming patibong

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PERSONAL na humarap sa aming camera si Quezon City Assessor Teofista Pajara ’nung nakaraang Martes at Huwebes. At dahil sa mga diretsahang tanong ko sa kanya, halos mahilo si Pajara.

Matatandaan naisulat ko kamakailan sa espasyong ito, ilan sa mga opisyal ng pamahalaan may "problema’’ sa kanilang birth certificate, lalo na ’yong mga isang taon na lang nasa compulsory retirement age na. Isa na rito si Teofista Pajara.

Hirit ni Pajara, nitong Pebrero niya lang daw nalaman ang kanyang tunay na date of birth, September 1940 daw. At ang kanyang pinagbasehan ay ang kanyang baptismal certificate na nakuha niya lamang nitong Pebrero 2004 Tsk…tsk…tsk…

Subalit sa school records ni Pajara, simula elementary, high school, college at pagpasok niya sa gobyerno siya’y September 1939 maging sa kanyang passport na nakuha niya sa DFA ay nakarecord sa 1939.

Ayon mismo kay Pajara. WALA siyang birth certificate, dahil WALA siyang record sa National Statistics Office (NSO). Kaya nung kumuha siya ng passport, certification lamang ang kanyang ginamit na siya’y ipinanganak na 1939.

Si Pajara ay magreretiro na ngayong darating na Setyembre. Nitong buwan ng Marso 2004, nag-file si Pajara ng correction of documents sa Civil Service Commission (CSC) upang "palabasin’’ na ang kanyang totoong year of birth ay 1940 at HINDI 1939.

Sa maikling salita, gusto pang manatili ng isang taon sa kanyang kasalukuyang puwesto. Ganito ang modus ng ilan sa mga opisyal ng gobyerno na ‘‘kapit-tuko" sa kanilang puwesto na kung saan ‘‘kuwarta’’ ang lumalapit sa kanila.


Dahil sa isyung ito, kinapanayam namin si Atty. Jose Soria, legal adviser ng Civil Service Commission. Aniya, ‘doubtful ang sitwasyon ni Pajara. Hindi ito papasa.’’ Dagdag pa ni Soria, ‘‘ang pagpa-file ng correction of documents sa CSC ay kinakailangan five (5) years before the retirement.’’

Itong kasalukuyang sitwasyon ni Pajara, talagang kaduda-duda. Nangako pa ’tong ‘‘mokang’’ sa harap ng aming camera, ipapakita niya raw sa amin ang kanyang pinanghahawakang ‘‘birth certificate?’’ Sa pamamagitan ng late registration?

Subalit ’nung pangalawang araw ng aming interview bumahag ang kanyang buntot, walang ipinakitang birth certificate sa amin. At sa halip kinaladkad si Quezon City Mayor Sonny Belmonte. Bahala na raw si Mayor kung i-extend pa siya ng isa pang taon sa kanyang pagiging City Assessor.

Nararamdaman na ni Pajara ang aming nakahandang patibong para sa kanya, unti-unti na itong sumisikip. Kaya ang payo daw ng kanyang attorney, sakaling hindi niya na kayang sagutin ang aking mga tanong, aniya ‘‘on my lawyer’s advice, I will explain it to the proper forum na lang.’’

Ang hindi alam ni Pajara sinunod ng aming BITAG undercover ang kanyang ‘‘formula’’ kung papaano kadali makakuha sa NSO ng birth certificate, certificate of late registration.

Tumpak, sa halagang P1,500 depende sa iyong pangangailangan, magagawan nila ng paraan, if the price is right.

Mensahe ko sa’yo Pajara. ’Yong mga fixer sa NSO nahulog na sa aming patibong. Nag-aantay na lang kami ng tiyempo at kung ika’y magkakamali sa iyong susunod na hakbang, tiyak mahuhulog ka sa aming BITAG!

AMING

BIRTH

CERTIFICATE

CITY ASSESSOR

CIVIL SERVICE COMMISSION

JOSE SORIA

KANYANG

KAYA

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PAJARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with