Ipinahayag kamakailan ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) na tatalima sila sa kautusan at itoy ipinaabot nila sa tanggapan ni Ellen Bautista, chairperson ng LTFRB. Ang nabanggit na kautusan ay dapat noon pang 2002 naiimplementa. Umaabot sa 32 bus companies ang kasanib sa PBOAP.
Sanay hindi lang sa salita kundi sa gawa ang pangakong ito ng PBOAP at dapat na siguraduhin ng LTFRB na matutupad ito. Isa ang BANTAY KAPWA sa nagmamanman kung maipapatupad ito.