^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ano ba kung madismaya si Uncle Sam ?

-
MALI raw at nakadidismaya ang desisyon ng Pilipinas sa pag-pull out ng tropang Pinoy sa Iraq. Sabi ng United States, naghatid daw ito ng maling signal. Sabi ng Australia, maaari raw magbigay lakas ito sa mga Iraqi militants para sumalakay nang sumalakay. Nakadidismaya ang ginawa ng Pilipinas, sabi naman ng Poland. Ganito rin mismo ang sinabi ng bagong gobyerno ng Iraq. Nakadidismaya, hindi dapat inalis ang tropang Pinoy, hindi raw dapat natakot, hindi raw dapat matangay sa sulsol, maling-mali raw at kung anu-ano pang batikos at puna ang inaabot ng gobyerno ni President Arroyo. Sabi pa ng isang foreign analyst, maaari raw na ang ginawang pag-pull out ng Philippine troops ay maging dahilan para mabawasan ang ibinibigay na aid ng US sa bansa. Maaari raw magkaroon ng dramatic reduction sa tulong ng mga Kano.

Iniutos na ang pag-aalis ng tropang Pinoy. Inalis na noong Miyerkules ang walong pulis na kabilang sa 51 humanitarian mission ng Pilipinas. Tinaningan ng mga militanteng Iraqi ang Pilipinas na alisin hanggang July 20 ang tropa. Dalawang beses nang nagbigay ng taning ang mga rebeldeng Iraqi sa gobyerno. Pupugutan nila ng ulo si Angelo de la Cruz. Limang dayuhan na ang pinugutan ng ulo na ang pinakahuli ay ang Bulgarian na si Georgi Lazov, 30. Si Lazov ay isa ring truck driver. Kasama niyang kinidnap si Ivalyo Kepov noong June 29.

Mababawasan daw ang aid na ibinigay ng Kano sa Pilipinas sa ginawang pull out. Maaapektuhan daw ang relasyon dahil sa desisyon. E ano ba? Alin ba ang mas mahalaga, ang relasyon kay President Bush o ang buhay ni De la Cruz na isang karaniwang sibilyan. Kapag napugutan si De la Cruz makikisimpatya ba ang mga Kano? Hindi. ang tanging luluha ay mga Pinoy din at mas lalo na ang mauulila ni De la Cruz. Grabeng hirap ang kanilang daranasin sapagkat wala nang maghahanapbuhay. Wala nang kakayod para mapag-aral at maipagamot ang anak na bulag ang isang mata.

Giyera ng Kano at iba pang malalaking bansa ang sinasawsawan ng Pilipinas. Hindi naman giyera ang hanap ng mga Pinoy sa Mideast kundi trabaho – para kumain at mabuhay ang pamilya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay hihimod ang Pilipinas sa mga puwet ng Kano. Sa pagkakataong ito buhay ng OFW na nakatutulong sa kabuhayan ng Pilipi-nas ang mas mahalaga. Ano ba ang aid na sinasabing maaapektuhan dahil sa pull out – yun bang ibinibigay nilang mga bulok na helicopter, tangke at eroplano? Yak!

vuukle comment

CRUZ

GEORGI LAZOV

IVALYO KEPOV

KANO

NAKADIDISMAYA

PILIPINAS

PINOY

PRESIDENT ARROYO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with