"Nang panahong iyoy sinabi ni Jesus, Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayon ang ikinalulugod mo.
"Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.
"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayoy pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; akoy maamo at mababang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo."
Ang kunin o dalhin ang pamatok ni Jesus ay hindi nangangahulugan ng pagdadala ng mabigat na pasanin. Ang simpleng pakahulugan nito ay ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. At ganoon ang ginawa ni Jesus. Palagi niyang sinusundan ang kalooban ng Diyos.
At para sa atin, ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ay hindi rin magiging mabigat. Sapagkat mayroon tayong halimbawa si Jesus. Sinunod niya ang kalooban ng Ama sa kanyang paghihirap sa hardin ng Getsemani. Sinunod niya ang kalooban ng Ama sa krus.
Ang kalooban ng Ama kailanmay di magiging mapinsala sa atin. Ito ay may katuturan at makabuluhan. Kapag lagi nating sinusundan ang kalooban ng Ama, tayo ay palaging nabibigyan ng mga grasya. May galak sa pagtupad sa kalooban ng Diyos. May pag-asa. At ang gantimpala nito ay ang walang-hanggang buhay.