^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ang pahirap na tax at mga bilihing biglang tumaas

-
AKALA n’yo ba’y patay na ang pagpapataw ng tax sa text messages? Hindi pa. Ilang linggo na ang nakararaan, malinaw na sinabi ng Malacañang na hindi na itutuloy ang pagta-tax sa text messaging. Tinutulan ito nang maraming mambabatas. Agad na-swak sa basurahan. Pero makalipas lamang ang ilang linggo, eto at umuugong na naman ang pagpapataw ng buwis sa tax messaging. Binubuhay na naman ang pinatay na.

Kapag muling binuhay ang pinatay na isyu sa tax ng text messaging, kawawa na naman ang karaniwang mamamayan. Halos lahat ay mayroon nang cell phone sapagkat ito ang pinaka-mura at pinaka-convenient para makipag-communicate. Siyempre, kapag binuwisan ang text messaging, ikakarga ito ng mga may-ari ng telecommunications company sa consumers. Pasa-pasa lang ang mangyayari na ang maiipit ay ang karaniwang mamamayan. Hindi ang mga mayayamang may-ari ang apektado kundi ang consumers. Ganoon pa rin ang magiging kita ng mga may-ari. At baka lalo pang lumobo ang kanilang kinikita. Hindi na ba makagagawa ng paraan ang pamahalaan na kumalap ng buwis na hindi maaapektuhan ang karaniwang mamamayan?

Bukod sa binubuhay na tax sa text messaging, kung anu-ano pang mga tax ang naiisip ng pamahalaan na ang mamamayan ang pagpapasanin. Kailangang mapunan ang malaking kakulangan sa bud-get. Puro budget ang lagi nilang dahilan. Bakit sa halip na ang mamamayan ang pagpasanin ng kung anu-anong taxes ay habulin ang mga mayayamang negosyante na hindi nagbabayad ng tamang buwis? Bakit hindi busisiin ang mga government officials na may kahina-hinalang yaman? Bakit hindi upakan ang mga bulagsak para makalikom ng pondo?

Isang linggo makaraan ang panunumpa ni Mrs. Arroyo ay nagsipagtaasan ang mga presyo ng pangunahing bilihin. Hinintay lamang na makapanumpa at lumobo ang presyo ng gulay, isda, karne, mantika at marami pang iba. Nakisabay naman sa pagtataas ang North at Luzon Expressways ng kanilang toll fees. Noong nakaraang linggo, nagpahiwatig na magtataas ng pasahe ang Metro Rail Transit (MRT) at kamakalawa nagpahiwatig na rin na magtataas ng pamasahe sa taxi. Tataas din ang singil sa kuryente. Ano pa ba?

Ang mamamayan ang lagi nang nahihirapan kapag nagkulang ang pamahalaan. Sa balikat ikinakarga ang krus na mabigat. Ang mga sorpresang pagtataas ng bilihin at ang pagbuhay sa tax text messaging ay taliwas sa mga pangakong ipinahayag ni Mrs. Arroyo. Pitong araw lamang ang nakararaan nang siya ay manumpa. Bilangin n’yo.

ANO

BAKIT

BILANGIN

BINUBUHAY

LUZON EXPRESSWAYS

METRO RAIL TRANSIT

MRS. ARROYO

TAX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with