Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Court of Appeals Justice Japar Dimaampao, Mayor Alimatar Pacalna ng Tukaya, Lanao del Norte; Mr. Ronald Post ng US Embassy, Mario Gloria at Julie Azares ng Metrobank.
Ayon sa aking bubuwit, marami na ang nagrereklamo laban sa kanya sapagkat meron palang sindikato sa kanilang opisina.
Ito ay ang kinalaman sa kanyang trabaho bilang miyembro ng adjudication board. Sila ang dumidinig at nagdedesisyon tungkol sa mga may kaso sa lupain na isinasailalim sa Agrarian Reform.
Ayon sa aking bubuwit, isang nabigyan ng Certification of Landownership Award (CLOA) ang kamuntik nang mabiktima rito.
Hindi lang siya pumayag dahil wala naman siyang maibibigay na dalawang milyong piso upang makakuha ng paborableng desisyon, sa kaso ng kanyang lupa.
Walanghiya, parang decision for sale?
Ayon sa aking bubuwit, ang isang maliit na negosyanteng nabigyan ng CLOA sa Davao City ay nagkaroon ng problema dahil biglang kinansela ang naipagkaloob sa kanyang lupa.
Umabot ang kaso sa Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB).
Habang nakapending ang kaso ay nilapitan ng mga tauhan ni Undersecretary ang may-ari ng lupa. Ang mga trusted aides ng opisyal ay nakipag-usap sa landowner. Sila ay nagpulong sa Maxs Restaurant sa loob ng Quezon Memorial Circle sa tapat mismo ng kani-lang departamento.
Hiningan ng dalawang milyon ang landowner kapalit ng pabor na desis- yon sa kanya.
Ang dalawang milyon ay paghahatian ng apat na miyembro ng adjudication board at sila ay tig-kalahating milyong piso.
Mga hinayupak kayo!
Dahil wala namang maibigay na pera ang landowner, dinesisyunan ang kaso nang hindi pabor sa kanya.
Pero heto ang siste, makalipas ang ilang buwan, nilapitan ulit si landowner. Kung talagang gusto ni-yang manalo sa kaso ay magbigay ng lamang ng P1.5 million.
Mga garapal talaga, nagbigay pa ng discount!
Pero dahil wala naman talagang maibigay na pera ang landowner sa grupo ni Undersecretary
Tuluyan nang natalo ang kawawang landowner.
Ayon sa aking bubuwit, ang Cabinet undersecretary na may sindikato pala sa paggawad ng desisyon sa mga kaso ng lupa ay si
Grabe talaga ito, dapat siyang masibak sa gobyerno.
Mantakin mo, adjudicator na, extortionist pa.
Siya ay si Cabinet undersecretary L. as in Lagay.