^

PSN Opinyon

Editoryal - Kidnapping at jueteng tiyak

-
PABORITO ni President Arroyo si dating National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTF) chief Angelo Reyes. Hindi iilang beses iniharap ni Reyes kay Mrs. Arroyo ang mga naaarestong kidnappers. Maraming nasakoteng kidnappers si Reyes mula nang ilagay sa puwesto ni Mrs. Arroyo noong nakaraang taon. Nag-resign si Reyes sa Department of National Defense makaraang isangkot sa katiwalian ng 300 sundalong kumubkod sa Oakwood Hotel. Corruption ang ugat. Nabulgar din noon ang mansion na ipinagagawa ni Reyes. Tagpas sa puwesto si Reyes. Pero makaraan lamang ang isang buwan ay inilagay uli sa puwesto – sa NAKTF nga.

Paborito siya ni Mrs. Arroyo sapagkat ngayo’y inilagay muli bilang miyembro ng Gabinete. Siya na ang bagong Interior and Local Government Secretary kapalit ni Jose Lina. Nagresign si Lina para raw mag-concentrate sa kanyang pamilya.

Isa sa mga problemang aariba muli ngayon pagkaraang maalis si Reyes sa NAKTF ay ang kidnapping. Tiyak na hahagalpak na naman sa tawa ang mga kidnappers sapagkat wala na si Reyes. Tiyak na kinakabahan na naman ang mga negosyanteng Tsinoy ngayon sapagkat tatargetin na naman sila ng mga kidnap for ransom group. Isang malaking problema ang iluluwal sa pagkakalipat ni Reyes sa DILG. At gaano naman makatitiyak si Mrs. Arroyo na ang kanyang ipapalit sa NAKTF ay katulad din ni Reyes? Gaano siya makasisiguro na ang ipapalit ay may kasanayan sa pagdakma sa mga kidnappers?

Ganito naman ang nagiging kalakaran sa bansang ito lalo na sa paglalagay ng pinuno ng isang departamento. Kapag maganda ang performance ng pinuno ay ililipat sa ibang departamento. Hindi dapat ganito ang mangyari. Sa kaso ni Reyes, maganda ang ipinakita niya bilang NAKTF chief. Kung kailan siya nakadadakma ng mga salot na kidnappers ay saka naman siya ililipat. Bakit hindi ipatapos kay Reyes ang mga nasimulan sa NAKTF? Marami pa siyang dapat gampanan sa nasabing tanggapan. Baka naman ibig sabihin ni Mrs. Arroyo ay parehong hahawakan ni Reyes ang DILG at NAKTF. Hindi uubra ang ganito.

Isa ring malaking katanungan ay kung bakit si Reyes na isang dating military man ang ipinuwestong DILG chief. Bakit hindi isang sibilyan? Nagkaroon kaagad ng puna kay Reyes nang tahasan nitong sabihin na pabor sa kanya kung gawing legal na ang jueteng. Ang pagiging illegal daw ng jueteng ang pinagmumulan ng corruption. Kung magiging legal daw ito, mawawala na ang corruption.

Lubhang kakaiba ang pananaw ni Reyes sa jueteng. Malinaw na iniindorso pa kaysa sa supilin.

ANGELO REYES

BAKIT

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

ISA

JOSE LINA

MRS. ARROYO

NAKTF

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with