Congress of clergy bukas sisimulan

BUKAS ang simula ng First National Congress of the Clergy na gaganapin sa World trade sa Pasay City. Mahigit na 3,000 pari at 100 obispo ang dadalo sa kongreso na magwawakas sa Hulyo 9, ayon kay Manila Archbishop Gaudencio Rosales. Ang tema ng kongreso ay ‘‘A Renewed Clergy, A Renewed Church and A Renewed Country. Layunin ng limang araw na pagtitipon ng mga relihiyoso ang maraming pagbabago lalo na sa paraan ng pagkakabanal ng mga pari. Ngayong hindi na ligtas sa pagbatikos ang ilang pari na nasangkot sa ilang kaso na may kinalaman sa sexuality.

Sa pagdiriwang ng Pope’s day noong nakaraang Sabado na ang pinakasentro ng selebrasyon ay ang parokya ng San Felife Neri sa Mandaluyong, nanawagan sina Monsignor Mario Enriquez at iba pang obispo pati na si Archibishop Rosales at Papal Nuncio Antonio Franco na ipagdasal ang tagumpay ng kongreso. Aktibo sina Fr. Josefina Peña, Fr. Danny Franco na ipagdasal ang tagumpay ng kongreso. Aktibo sina Fr. Josefini Peña, Fr. Danny Diana at Fr. Jerome Ceciliano sa paghihikayat sa mga pamilya sa Kamaynilaan na buksan ang mga tahanan nila para sa dalawang pari sa bawat pamilya sa bawat panahon ng kongreso. Mahigit sa 2,000 at 500 pamilya sa Metro Manila ang magsisilbing ‘‘host’’ sa mga pari at obispong lalahok sa Congress Clergy.

Show comments