Si SPO4 Jun Lim at Muso raw ang magre-raid sa mga pasugalan,he-he,he
June 30, 2004 | 12:00am
NAGBABANTA si SPO4 Felipe Jun Lim ang hepe ng anti-vice unit ng Mandaluyong police, na sasapitin ng mga ilegalista sa siyudad ni Mayor-elect Boyet Gonzales ang sinapit ng racehorse bookies operator na si alyas Diday. Galit na galit kasi si Lim dahil sa ibinulgar ko noong Linggo at nangako na siya mismo at ang ganid niyang tauhan na si Boy Muso ang magsasagawa ng raid sa mga pasugalan, illegal vendors at nightclubs para sigurado ang kanilang paghihiganti. Pero noong kapanahunan ng mga Abalos ay bagyo itong si Lim, hindi siya nakakasiguro dito sa takbo ng utak ni Gonzales na isa ring abogado. Maaaring ang buwan sa kasalukuyan ay panahon ng bagyo, pero marami ang nananalangin sa Mandaluyong na kung maaari ay bumaligtad ang sistema at itong si Jun Lim nga at ang mga tauhan niya ay hahagupitin ng bagyong Boyet. Wala naman kasing kasulatan na nagsasaad na itong si Jun Lim ay habambuhay na sa puwesto niya, di ba mga suki? He-he-he! Weather-weather lang talaga ang buhay natin.
Kung sabagay, hindi na dapat manakot pa si Jun Lim dahil kasama sa sinumpaang trabaho niya ang supilin ang pasugalan, illegal vendors at mga front ng prostitution nga. Kaya lang kung noong panahon ng mga Abalos ay sobrang lakas niya, dito sa termino ni Gonzales ay dapat matyagan muna niya kung may asim din siya. Kahit mga supporters ni Abalos noon kasi ang masagasaan ni Jun Lim at mga alipores niya ay hindi siya matinag-tinag. Pero sa ngayon, ewan ko lang no? Kung puno ng hangin at panay pagkukunwari noon ang katawan ni Jun Lim, baka sa panahon ni Gonzales ay sa kangkungan din siya dadamputin. Makakatulog pa kaya nang mahimbing si Jun Lim? Kasi nga kahapon lang ang inauguration ni Gonzales at Congressman-elect Benhur Abalos at sa pagkambiyo ng pulitika sa Mandaluyong, maaaring kumambiyo rin ang buhay ni Jun Lim at mga kasamahan niya sa anti- vice unit.
Ang suspetsa ni Jun Lim ay ang bookies financier sa Makati ang nasa likod ng pagbubulgar ng raket niya. Kung sinu-sino na ang itinuturo ni Jun Lim samantalang kung malalim siya ay dapat nagsalamin siya muna bago husgahan ang kapwa niya. Kasi nga kung nakakayanan pa ng mga ilegalista ang kalakaran ng anti-vice unit ni Jun Lim lalo na itong si Boy Muso may magrereklamo pa kaya laban sa kanila? Abusado kasi itong anti-vice unit kayat hindi dapat magtaka si Jun Lim kung pinag-uusapan na sila ng mga residente sa Mandaluyong nga. Kung umasta kasi si Muso at mga kasamahan niyang sibilyan eh daig pa nila ang mga tunay na pulis. Kayat kung nasisira ang imahe ng kapulisan natin, yaon ay dahil na rin sa pagmamalabis ng mga private armies ng pulitiko natin na nagtatago sa mga police unit tulad ng anti-vice unit ni Lim.
Namuo ang suspetsa ni Lim sa financier sa Makati dahil nitong huling mga araw ay ni-raid ni Muso ang bahay ng isang Maricel Reyes. Naaresto si Reyes at dalawa pang tumataya umano sa bookies. Ang problema lang, tinadyakan ni Muso ang pintuan ni Reyes kayat nasira ito. Pinagsisira rin ni Muso ang cabinet doon at kinuha ang P4,000 cash at binuhat pati ang isang TV set. Ala Gestapo ang isinagawang raid. Papasa kaya kay Gonzales ang ganitong modus-operandi nina Jun Lim at Muso? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended