^

PSN Opinyon

Magandang manugang ng jueteng lord itinanan ng kanyang tauhan

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang galit na galit ang isang jueteng lord matapos itanan ng kanyang pinagkakatiwalaang tauhan ang magandang misis ng kanyang anak?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay John Galang, Alex dela Cruz, Peter Paul Sales ng MBC, Greg Cervano ng DZRH at advance happy birthday kay Mr. Richard ng Regent Foods.
* * *
Alam n’yo bang umuusok sa galit ang isang jueteng lord matapos siyang traidurin ng kanyang pinagkakatiwalaang tauhan?

Ayon sa aking bubwit, hindi sukat akalain ng jueteng lord na magta-traidor ang kanyang tauhan sapagkat ito ay itinuring na niyang miyembro ng pamilya. Ito ay binihisan, tinuruan, sinuportahan ang kanyang pamilya pagkatapos ay tinuklaw siyang parang ahas.

Mantakin n’yo, tinuruan ito kung paano magpatakbo ng jueteng pagkatapos at tatangayin pa ang misis ng kanyang anak. Siguro ang dapat sisihin diyan ni jueteng lord ay ang kanyang manugang. Meron na siyang mister at meron nang dalawang anak pagkatapos sumama pa sa iba.

Ayon sa aking bubuwit, ang dapat ding sisihin dito ay ang anak na lalaki ni Jueteng Lord. Kasi napapabayaan pala ni Mister ang kanyang misis kasi ang inaatupag ay ang kanyang bisyo. Ang pinagkakaabalahan pala ng anak ni jueteng lord ay ang mga sasabunging manok.

Mas inuuna pang hinihimas ni Mister ang kanyang mga manok kesa sa magandang misis.

Kaya ayon, habang humihimas ng manok si Mister, iba naman ang humihimas ngayon sa kanyang misis. At habang abala sa sabong si Mister, si Misis naman ay abala rin sa pakikipagsabong sa iba. Patay kang bata ka!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang lubos na ikinalulungkot ni Jueteng lord bukod sa napindeho’t nilagyan na ng ipot sa ulo ang kanyang anak. Sa kanya iniwan ang mga maliliit pa nilang mga anak. Diyos ko naman oo, sa kalibugan naman ng misis na ito’y iniwanan ang kanyang mga musmos pang anak.

Ayon sa aking bubuwit, ang magandang manugang ng jueteng lord na sumama sa kanyang tauhan ay walang iba kundi si…

Naku, doktora pala ito, kaya naman pala punung-puno pa ang asim nito.

Kahit may mga anak na ay maganda, sexy, matangkad, nagmumura ang mga ‘‘bumpers,’’ makinis at parang si Rossana Roces, flawless pa rin.

Kaya naman pala nademonyo ang tauhan ni Jueteng lord. Ang pinagtataka lamang daw nitong si Jueteng lord, pangit naman daw itong kanyang tauhan eh dito pa sumama ang kanyang doktorang manugang.

Wala po sa hitsura ’yan, nasa performance ’yan.

Ayon sa aking bubuwit, ang jueteng lord na inahas ng kanayang tau-han at itinanan ang kanyang magandang manugang ay si…

Siya ay si Jueteng Lord M.C. as in Madam Caring.

vuukle comment

ANAK

AYON

GREG CERVANO

JOHN GALANG

JUETENG

JUETENG LORD M

JUETENG LORD. KASI

KANYANG

LORD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with