^

PSN Opinyon

EDITORYAL - maging maingtat sa pagpili ng Cabinet members

-
HANDA na sa panunumpa si President Gloria Macapagal-Arroyo sa June 30 na gaganapin sa Cebu. Kinabukasan, July 1, ay tiyak nang may mga bagong mukhang uupo sa kanyang Gabinete. Pinaka-matunog na nakalinya na bilang bagong miyembro ng Gabinete si House Deputy Speaker Raul Gonzales. Ayon kay Gonzales inalok siya ni President Arroyo na pamunuan ang justice department. Tapos na ang termino ni Gonzales bilang Iloilo congressman. Siguro naman ay malinis ang record ni Gonzales kaya bagay siya sa justice department. Mas maganda kung walang record ng katiwalian ang uupo sa DOJ. Bagong termino ni President Arroyo at dapat namang bago rin ang maging miyembro ng kanyang Gabinete. Palitan na ang mga miyembro ng Gabinete na pabigat lamang. Palitan ang mga may bahid ng katiwalian.

Sa tatlong taong panunungkulan ni Mrs. Arroyo, isang maipupuna ay ang hindi niya pagiging maingat sa pagpili ng kanyang magiging miyembro ng Gabinete. Ilan sa mga miyembro ng kanyang Gabinete ang nasangkot sa katiwalian. Nasangkot sa katiwalian ang dating DepEd Secretary at maging ang kanyang justice secretary. Nagsipagbitiw ang mga nabanggit na secretaries pero ang lamat sa gobyerno ni Mrs. Arroyo ay naiwan. Iyon ang laging binabatikos lalo na ang oposisyon. Hindi na dapat maulit ang pagkakamali ni Mrs. Arroyo sa nakalipas na tatlong taon.

Dapat nang maging maingat si Mrs. Arroyo sa pagpili sa mga kukunin niyang miyembro ng Gabinete o maski sa mga mamumuno sa mga government financing institutions. Kapag nagkamali siya sa pagpili tiyak na maaapektuhan na naman ang kanyang pamumuno sa bansang ito. Isipin na lamang na anim na taon ang kanyang termino at paano kung ang kanyang magiging kasama sa pagpapatakbo sa bansang ito ay hindi naman mga karapat-dapat? Sa halip na magampanan ng Cabinet members ang kanyang tungkulin ay pawang sa pansariling interes lamang ang inaatupag.

Dapat din namang magbitiw ang mga kasalukuyang miyembro ng Gabinete upang mabigyan ng pagkakataon si Mrs. Arroyo ng pagkakataong makapili nang mahusay na makatutulong niya sa pagpapaunlad ng bansa. Nakatuon pa naman ang programa ni Mrs. Arroyo sa kapakanan ng mahihirap sa susunod na anim na taon ng panunungkulan. Kailangang maging maingat siya sa pagpili ng magiging Cabinet secretary. Pag-aralang mabuti para hindi magkamali at baka hilahin siya pababa. Kawawa naman ang bansa at ang taumbayan.

ARROYO

DAPAT

GABINETE

GONZALES

HOUSE DEPUTY SPEAKER RAUL GONZALES

KANYANG

MIYEMBRO

MRS. ARROYO

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with