^

PSN Opinyon

"Si Da King at si Ping"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
UMIIGTING… UMIINIT…PALITAN NG MAANGHANG NA SALITA. DATING MAGKAIBIGAN NGAYO’Y MAGKALABAN.

SI SEN. PANFILO "PING" LACSON AT SI FERNANDO POE, JR.

SI PING AT SI DA KING. ANG PANDAY AT ANG PULIS.

NAGBITIW NG SALITA SI SEN. PING NA DAPAT NA DAW MAG-CONCEDE SI FPJ. ITO NAMAN AY IKINAINIS NI FPJ AT NAGSALITANG, "IPINAKITA LAMANG NI PING ANG TUNAY NIYANG KULAY." AGAD SUMAGOT NAMAN SI PING NA HINDI RAW NARANASAN NI FPJ ANG MGA PINAGDAANAN NIYA AT WALANG EXPERIENCE ITO KAYA’T HINDI DAW SILA NASA PAREHONG PAHINA. ("WE’RE NOT ON THE SAME PAGE.")

Lalong lumala ang sitwasyon ng maglabas ng ulat sa dyaryo na galing sa kampo ni FPJ mula diumano kay Gen. Roberto Calinisan, na umpisa pa lamang ng kampanya para sa Presidential Elections, meron na raw namuong "unholy alliance" mula kay Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at Ping Lacson.

Trinaydor daw ni Ping ang kanyang mga supporters at followers ng pabayaan ni Ping ang kanyang presidential bid kapalit ng pangako ng Arroyo administration na hindi na daw hahabulin si Ping sa Kuratong Baleleng Case. Ang masama pa nito ay merong perang sinasabi si Bobby Calinisan na nagkakahalaga ng P500 milyon na P25milyon daw lingo-linggo ang release ng pera kay Ping. Wow, kung ito’y totoo, ang daming pera nun! Kaya bang gawin ni Ping yun sa kanyang mga supporters? Sa kanyang mga followers? Kaya ba Raymond Burgos?

Umpisa pa lamang ng kampanya, nagtaka ako kung bakit walang Bise Presidente si Ping Lacson. Tinanong ko at isinulat ko na palagay ba ni Ping hindi na niya kailangan ng Bise? Sa pagka-senador naman ay tanging si Rep. Carlos Padilla ang dala ni Ping. Sinagot ni Ping ang tanong na ito at sinabi na mas mabilis kumilos kung wala kang dalang maraming bagahe.

Kaya daw niya lumipat-lipat sa iba’t ibang parte ng Pilipinas sakay ng kanyang Lear Jet. "Excess baggage" ba ang tingin ni Ping sa Bise Presidente at iba pang mga nag-aambisyon maging senador?

Nung una. Inisip ko na ang dahilan na bakit mukhang solo flight.

Si Ping ay dahil baka sa huling sandali ay magbabago ito ng isip at magdedesisyon itong makipagsanib ng pwersa kay FPJ. Nang matapos ang takdang oras na palugit ng Comelec para sa pagpapalit ng isip at pag-u-unite ng anumang partido, inisip ko na pwede pa rin, baka naman magbigay si Ping at magwithdraw para magkaroon na lamang ng isang kandidato ang oposisyon. Hindi nangyari ang lahat ng inisip ko.

Kung susuriin mong mabuti ang mga salita ni Bobby Calinisan, you can read between the lines na ina-akusahan niya si Ping (dahil unholy alliance nga) na pumayag itong magpagamit sa Arroyo administration para kumain ng boto mula kay FPJ para siguruhin ang panalo ni Gloria. Di ba’t isang 1.1 milyon votes ang lamang ni PGMA kay FPJ. Hindi ba’t 3.5 milyon (more or less) ang mga botong nakuha ni Ping?

Ito ba ang dahilan kung bakit kahit anong pilit ng dalawa na mag-usap at magkasundo para maglabas ng isang kandidato lamang ang oposisyon?

Ang kasunduan na sinasabi ni Bobby Calinisan ay nalaman daw niya sa kanyang source na hindi naman pinangalanan. Ito rin ang nagdetalye sa kanya kung paano P25 milyon pesos kada linggo ang release ng pera kay Ping. Hindi pa sumasagot si Ping sa isyung ito dahil wala siya at nasa America at nagpapahinga.

Nakakagulat din ang demeanor ni Ping na hindi pa prinoproklama ng Kongreso kung sino ang nanalo sa eleksyon ay parang nag-concede na ito.

Maski ang abogado ni Ping sa Canvassing ng COC’S sa joint session ng Congress ay madalas na marinig na nagsasabi na "On the part of candidate Lacson, we interpose no objection to the canvassing of the Certificate of Canvass from the province of…."

Sabay binanatan pa ng layas ni Ping at nagpunta na lamang sa Amerika. Tapos lalabas ang mga pasabog na ito galing kay Bobby Calinisan.

Sino si Gen. Roberto Calinisan? Siya ang umaasikaso ng security ni Fernando Poe, Jr.. siya ay kasali sa AGPOE (Association of Generals for Poe.) Mula nuon pa, si Bobby Calinisan at si Ping Lacson ay nagsama sa defunct Military Intelligence and Security Group (MISG) nung panahon ni Marcos. Ang pinuno nila ay si Col. Rolando Abadilla o si Kabise.

Personal kong kilala silang dalawa. Regional Director si Gen. Bobby Calinisan ng PNPRO3. Si Ping Lacson naman ay naging PNP DIRECTOR GENERAL. Napansin ko na may konting hindi pagkakaunawaan sila ng magsama sila nun sa Special Project Alpha (ANTHURIUM) sa pamumuno nun ni Gen. Jewel Canson. Kasama nila Gen. Romy Acop, at si Gen. Zubia.

Minsan ng magkaroon ng operations kung saan nakatulong ang programa kong CALVENTO FILES na mahuli and Southern Luzon Most Wanted.

Iprinisinta namin yung suspect kay Dir.Gen. Recaredo Sarmiento. Si Col. Mancao nun ang team leader. Narinig kong nagsalita si Ping na may halong inis dahil nandun si Bobby Calinisan, "hindi naman kasama sa Operations sumama pa sa Press Conference. Kita mo nga Tony, bagong paligo pa si Bobby Calinisan. Yun na!

Magandang abangan ang sagot ni Ping sa mga ibinato sa kanyang akusasyon ni Bobby Calinisan. Kaya bang ilaglag ni Sen. Ping Lacson ang lahat para sa mga dahilang sinabi ni Gen. Calinisan? Anong palagay n’yo?

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG TUMAWAG SA 7788442. MAARI DIN KAYONG MAGTEXT SA 09179904918.

BOBBY

BOBBY CALINISAN

CALINISAN

KAY

PING

PING LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with