Ayon sa aking bubuwit, happy bithday muna kay Manuel Poriuncula ng San Diego, California, USA; Jun Pabustan ng MBC; Jovrex Baliton, Larry Amutan at Mr. Nestor Papa mula sa kanyang roommate na si Prof. Nenita Papa ng Lyceum of the Philippines.
Ito ay marami nang mga butas sa flooring na hindi man lamang nire-repair. Bukod pa rito ay talaga namang tiktik kalawang na ang nasabing passenger ship.
Batay sa pagtaya ng mga local officials na madalas sumakay sa naturang barko, hindi na ito safe pang magsakay ng mga pasahero at mga kargamento.
Kaya lang, ang nakapagtataka rito, ang nasabing barko ay inisyuhan pa ng Maritime Industry Authority (Marina) at Philippine Coast Guard ng Certificate of Inspection na safe pa raw itong bumiyahe.
Naku ha. Paging DOTC Sec. Larry Mendoza.
Ayon sa aking bubuwit, pinalabas sa Certificate of Inspection ng Marina na sumailalim na ito sa Drydocking. Ang ibig sabihin ay dinala sa pantalan ang barko at sumailalim ito ng cleaning at repair ng ibat ibang bahagi at piyesa nito tulad ng rudder, propeller, sea valves, sea chests at iba pa.
Kung sumailalim ito sa drydocking, bakit may mga butas-butas pa ang flooring ng barko at kakarag-karag pa. Bakit takot na takot ang mga pasaherong sumakay? Wala lang magawa ang mga pasahero, no choice sila sapagkat ito lamang ang barkong bumibiyahe sa kanilang probinsiya.
Ito ay bumibiyahe ng tatlong beses kada isang linggo sa Romblon-Batangas route.
Subalit sinabi naman ng aking bubuwit, walang nangyaring drydocking at repair sa pampasaherong barko. Dahil kung ito ay na-repair, sana man lang may mga nabago kahit pintura man lang sa mga kala-kalawang ng barko.
Ayon sa aking bubuwit, nagkaayusan kaya hindi na ito sumailalim sa drydocking at binigyan na lamang ito ng Certificate of Inspection na ito ay sea worthy na magsakay ng pasahero at lumayag sa karagatan. Naku, tag-ulan at tagbagyo pa naman ngayon.
Tinatawagan din natin si Adm. Sevilla ng Marina at Coast Guard Chief Admiral Art Gosingan na inspeksiyunin ang barkong ito baka magkaroon na naman ng trahedya. Magsisisihan na naman pero huli na.
Ang mga pumirma sa C.I. ay sina Cmdr. Luisito Sibayan at Capt. Crisolito Agustin.
Ang barko namang inirereklamo ng mga local officials ng Romblon na kinatatakutan nilang sakyan ay ang barkong M/V Princess Collen na pag-aari ng Shipshape Ferry Inc.