Sana Larry, makapasyal ka dito lalo sa umaga para malanghap mo ang kakaibang amoy sa airport. Ika nga, amoy etchas! Masahol pa sa singit ng mga dehins goling Arabo. Ang tanggapan ng PNP-ASG at office ng NAIA Press Corps sa arrival area ng Terminal 1 ay bumabaha ng tubig na amoy pusali. Kung walang tao dito ay nagmistulang lagoon ito. Barado ang mga drainage na hindi binibigyan ng atensyon ng mga kamote. MIAA-AGOD bossing Bing Lina, Sir, hindi mo yata nagagawa ngayon ang trabaho mo!
Masyado ka yatang concentrated sa mga amo mo sa airport kaya pati trabaho mo ay hindi mo pinapansin? Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO na magaling kang lider. Alam din namin na wala kang magagawa sa aming sinasabi dahil bulok na talaga ang airport. Pero kung aasikasuhin mo lang ang mga ebak dito at gagawin mo ang homework mo sigurado kahit bulok ang NAIA ay may mangyayari. Sa halip na dagsain tayo ng mga turista baka mga turistang bangaw ang dumating sa airport.
Dito siguradong magwawala si Tourism bossing Obet Pagdanganan, kapag naamoy niya ang malabulok na ebak. Ang mga makakaamoy kasi ng mga kinukuwento ng mga kuwago ng ORA MISMO ay siguradong sabog. Mas malakas pa ang tripping ng makakaamoy ng mabahong ebak kaysa sa tama ng high-grade na shabu! PDEA bossing Anselmo Avenido, Sir! Sa sobrang tuwa ni Bing sa kakabida sa mga bossing nito ay hindi na niya nabibigyan ng pansin ang bantot na dulot ng umaapaw na tubig sa nasabing mga lugar. Kambiyo isyu, mukhang kinukunsinti ni Bing, si Ellen Alvarez, wala pa siyang aksyon sa huli hanggang ngayon. Iba kasi kung gumalaw si Ellen sa departure area ng Terminal 2, sumbong sa mga kuwago ng ORA MISMO. Negosyante ba ito?
Dati ba itong tindera ng kakanin? Nagtatanong lang po Mr. Bing.
Masyadong abala si Bing nitong mga nakaaang araw kaya tuloy nawalan ng disiplina ang mga airport solicitors na nakahambalang sa arrival area. Hina-hassle nila ang mga pasaherong lumalabas ng arrival lobby patungo sa arrival extension. Hirap dumaan ang mga pasahero palabas ng arrival lobby dahil pa-rang mga holdaper este mali buwitre pala nakabarikada ang mga ito sa pintuan ng arrival lobby exit. Pinag-aagawan kasi nila ang mga pagod na pagod na pasahero. Pati ang mga taxi sa Centennial Terminal 2, ay binigyan na ng basbas na makaparada malapit sa Manila Control Tower. Di ba restricted area ito? Sino kaya ang kumita?
Ang NAIA-control tower ay isang vital installation sa airport kaya mapanga-nib na lugar ito lalo na sa mga terorista. Hindi natin sinasabing terorista ang mga taxi drivers pero bawal dito!
Sino ang nagbigay ng basbas para pumarada ang mga taxi rito? Palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO ay may magandang usapang nangyari.
Paano maipagmamalaki ang airport, baradong drainage lang hindi pa magawa?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.
Baka naman busy ang bossing ng AGOD sa ibang bagay, sagot ng kuwagong kumakain ng talaba.
Dapat siguro si GM Manda na ang personal na makialam dahil nakakaapekto sa kalusugan ng mga nasa loob ng airport ang mabahong amoy, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Hindi pala tayo mamamatay sa terorista, kundi sa amoy ng mabahong ebak sa arrival area?
Iyan ang totoo, kamote!