^

PSN Opinyon

Ambush dito,ambush doon

- Al G. Pedroche -
ILANG araw nang main story ng Pilipino Star Ngayon ang mga kaso ng pananambang o ambush. Kahapon, banner headline natin ang hukom sa Batangas na napatay sa ambush. Kamakalawa, isang hepe ng LTO flying squad sa Batangas din ang nasawi sa pananambang. Sa Caloocan, isang sinasabing Muslim leader ang itinumba. Bukod diyan, marami pang kaso ng pamamaslang sa malalayong probinsya ang hindi natin napagtuunan ng pansin.

Editorial decision
natin na bigyang diin ang mga karumal-dumal na pangyayaring ito. Magbasa kayo ng diyaryo, broadsheet man o tabloid at ang laman ay tungkol sa pulitika. Lubhang nalilihis ang ating pansin, at ang konsentrasyon natin ay sa "constipated" na canvassing ng mga boto para sa presidente at bise presidente sa Kongreso. Buti na yung fully aware tayo sa gawain ng mga kriminal if only to alert our police authorities na dapat lalung maging vigilant laban sa ganitong mga criminal activities. Baka sa pagkakatuon ng pansin ng bansa sa mga political developments, magsamantala naman ang mga masasamang loob na ang tangka’y maghasik ng ligalig. Posible rin na ang mga kabi-kabilang pamamaslang na ito ay may kaugnayan din sa mga pangyayaring politikal sa bansa. Maaaring ito’y pagpapakita ng galit ng ibang sektor ng lipunan sa mabagal na bilangan ng mga boto.

Halimbawa, nitong linggong ito, napabalitang may death threat sina Senate President Franklin Drilon, House Speaker Jose de Venecia at Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen. Masyadong naiinip na ang taumbayan at siguro, may mga maiinit at matapang na sektor ng lipunan na naghahayag ng ganyang banta upang ibulalas ang kanilang matinding galit at pagkainis. Sana’y hindi seryoso ang banta. Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi isinama sa banta si Sen. Aquilino Pimentel na humalili kay Dilangalen sa pagsagka sa ginaganap na canvassing?

Whew!
masyado nang naka-focus sa politika ang gobyerno pati na ang sumusubaybay na taumbayan. Sana’y matapos na ang mga sigalot na ito at mairaos ng mapayapa ang canvassing at proklamasyon ng bagong Pangulo.

vuukle comment

AQUILINO PIMENTEL

BATANGAS

BUKOD

DIDAGEN DILANGALEN

HOUSE SPEAKER JOSE

MAGUINDANAO REP

PILIPINO STAR NGAYON

SA CALOOCAN

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with