^

PSN Opinyon

Sinugo sa isang misyon

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
KAHIT na sa kanyang kapanahunan, binigyang-bahagi ni Jesus sa kanyang gawain ng pangangaral at pagpapagaling ang kanyang mga alagad. Sa Ebanghelyo sa araw na ito, isinalarawan ang estilo ng kanilang pamumuhay at kung paano sila kumilos sa kanilang misyon (Mt. 10:7-13).

"Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. Huwag kayong magdala ng salapi -— maging ginto, pilak, o tanso -— sa inyong mga lukbutan. Huwag din kayong magdala ng supot sa inyong paglalakbay, ni bihisan, pampalit na panyapak, o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kanyang ikabubuhay.


"At saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan, at manatili kayo roon habang kayo’y nasa lugar na iyon. Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, "Maghari ang kapayapaan sa bahay na ito!" Kung karapat-dapat ang mga tao sa bahay na iyon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong bati. Ngunit kung hindi, bawiin ninyo ito.’"

Malinaw na sinabi ni Jesus sa mga alagad na kumilos bilang mga mahihirap na naglalakbay. Hindi nila kailangang magdala ng anumang salapi. Simple lang dapat ang kanilang pananamit. Ang estilo at uri ng kanilang pamumuhay ang makakaakit ng mga tao.

Sa ganitong paraan, nagpagaling sila ng mga maysakit, nilinis ang mga ketongin at muling binigyang-buhay pati na ang mga patay. Hindi sila sumingil ng bayad para sa apostoliko o pang-misyong gampaning kanilang isinasagawa. At saan sila nanirahan sa panahon ng kanilang pagmimisyon? Sa mga tahanan ng mga pamilyang masayang nagpatuloy sa kanila sa kani-kanilang tirahan.

Ito ang uri ng pamumuhay na itinuro sa mga alagad kapag sila ay nasa pagmimisyon. Ito rin ang uri ng pamumuhay na sinunod ng mga alagad nang bumalik na sa langit si Jesus. At ito rin ang uri ng pamumuhay na sinusunod at isinasabuhay ng mga misyonero magpahanggang-ngayon sa ating kapanahunan.

DIYOS

HUMAYO

HUWAG

KANILANG

KAYO

NINYO

PAGALINGIN

SA EBANGHELYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with