Sa pangunguna ni Andres Bonifacio, nagpulong ang mga Katipunero sa bakuran ng tahanan ni Juan Ramos, anak ni Tandang Sora, kasabay ng pagpunit ng kanilang mga sedula at ang pangyayaring ito ay nagtala sa kasaysayan bilang "Cry of Balintawak".
Ang kauna-unahang paghahamok ng mga rebolusyonaryo laban sa mga Kastila ay noong Agosto 30, 1896 sa San Juan del Monte. Napilitang umurong sina Bonifacio sa Balara na malapit sa kinatatayuan ng ngayon ay University of the Philippines. Idineklara ang "state of war" sa Maynila, Bulacan, Batangas, Cavite, Tarlac, Nueva Ecija at Pampanga.
Ilan pa sa mga bayaning Pilipino na hindi gaanong nabigyan ng pagpupugay ay sina Ladislao Diwa, Roman Basa, Teodoro Plata, Braulio Rivera, Numeriano Adriano, Faustino Villaruel, Guillermo Masangkay at marami pang ibang nabuwal sa dilim ng gabi sa pakikidigma para sa inaasam na kalayaan.