^

PSN Opinyon

Dibidendo para sa Pag-IBIG members

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
LALONG naging maganda ang naging takbo ng Pag-IBIG Fund (Home Development Mutual Fund) noong nakaraang taon kung kaya ang dibidendo para sa 2003 na naibigay sa mga miyembro nito ay umabot sa P4.2 bilyon. Ang halagang ito ay mas mataas ng 12.38 percent noong 2002 kung saan ang dibidendo ay umabot sa P3.7 bilyon.

Ang Pag-IBIG Fund ay may humigit-kumulang na limang milyong myembro sa buong bansa. Ang kontribusyon sa pondo ay binubuo ng personal na kontribusyon ng miyembro at ang kontribusyon ng employer (o tinatawag na employer counterpart). Ang dibidendo ay idinadagdag sa mga kontribusyong nabanggit at ang kabuuan ay tinatawag na Total Accumulated Value (TAV) ng bawat miyembro.

Ayon sa batas, dapat na 70% ng kabuuang kita ng pondo ay kailangang ideklarang dibidendo para sa mga miyembro. Ang dibidendo para sa 2003 na ukol sa mga miyembro ay mas mataas pa ng 10 percent sa sinasaad ng batas. Ito ay patunay lamang sa masidhing pagnanais ng pondo na isulong ang kapakanan ng mga miyembro nito at ang pagtugon sa kanilang pangangailangan.

Magpapatupad din ng ilang reporma upang lalong maging mas mabilis ang ilang serbisyo lalo na sa mga regional branches at upang mas maraming miyembro ang maaaring makinabang sa mga programa at serbisyo ng pondo. Makakaasa po ang mga miyembro ng Pag-IBIG Fund sa matapat at mahusay na serbisyo upang hindi lamang sa pabahay kundi sa panahon ng pangangailangan.

ANG PAG

AYON

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

MAGPAPATUPAD

MAKAKAASA

MIYEMBRO

PAG

TOTAL ACCUMULATED VALUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with