Ang Banal na Trinidad
June 6, 2004 | 12:00am
ANG Banal na Trinidad ang pinaka-pangunahing paniniwala nating mga Kristiyano. Ipinahayag ni Obispo Ted Bacani ang misteryong ito sa ganitong paraan: "Tatlong sino, isang ano." Ang tatlong Persona ay ang Ama, Anak at Espiritu Santo. Subalit sila ay iisang Diyos lamang.
Mahal ng Ama ang Anak at mahal ng Anak ang Ama. Iniiaalay ng Anak ang lahat-lahat na nasa kanya sa Ama. May ganap na pagmamahalan sila sa isat isa. Ang bunga ng ganap na pagmamahalan ng Ama at Anak sa isat isa ay ang Espiritu Santo.
Sa Ebanghelyo para sa araw na ito, ipinaliliwanag ni Juan ang gampaning naaayon sa bawat isa ng Tatlong Persona (Jn. 16:12-15).
"Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili lamang; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, at ipahahayag ang mga bagay na darating. Pararangalan niya ako, sapagkat sa akin magmumula ang ipahahayag niya sa inyo. Ang lahat ng sa Ama ay akin; kaya ko sinasabing sa akin magmumula ang ipahahayag niya sa inyo."
Paano ipinakikita ninuman ang kanyang debosyon sa Banal na Trinidad? Ang debosyon sa Ama ay ipinakikita sa pamamagitan ng pagmamahal sa Ama. Lahat ng buhay pisikal man o espiritwal ay nagmumula sa kanya. Ang debosyon kay Jesus ay nagmumula sa ating pagmamahal sa kanya. Siya ay naging tao, namatay para sa atin at nabuhay na mag-uli para sa atin. Ibinibigay niya sa atin ang Espiritu Santo bilang kanyang pinakadakilang handog. Ang Espiritu Santo ay nananahan sa atin. Binibigyan niya tayo ng kaliwanagan. Ginagabayan niya tayo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended