Trivia sa mga bayaning Pilipino (Una sa 2 Bahagi)
June 6, 2004 | 12:00am
SA Sabado, Hunyo 12 ay ipagdiriwang ang 106 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas. Isang karagdagang-kaalaman para sa lahat ang ibahagi ng BANTAY KAPWA sa pagdakila sa mahahalagang personahe sa rebolusyon na malaking ambag sa pagtatamo ng kalayaan.
Kasabay ng pagpapatapon kay Dr. Jose Rizal sa Dapitan noong Hulyo 7, 1892 at binuo ng Kataas-taasan, Kagalang-galangan na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) kung saan nahalal na pangulo si Deodato Arellano sa pagtitipong ginanap sa bahay ni Arellano sa 72
Azcarraga, Maynila. Tinaguriang supremo ng Katipunan si Andres Bonifacio na namuno sa Sigaw ng Pugad Lawin na nagsilbing mitsa ng rebolusyon laban sa mga Kastila noong Agosto 26, 1896. Nagsilbing kalihim ni Bonifacio sa Katipunan ay ang batam-batang heneral na si Emilio Jacinto na siyang sumulat ng Cartilla ng Katipunan at ang kalayaan, ang propaganda organ ng Katipunan.
Tinaguriang lakambini ng Katipunan si Gregoria De Jesus ang asawa ni Bonifacio. Tumulong siya kay Benita Rodriguez Javier sa paggawa ng unang watawat ng Katipunan. Nang patayin si Bonifacio sa Mt. Buntis, nagpakasal si Gregoria kay Julio Nakpil na isa ring katipunero. Si Delfina Herbosa Natividad ay pamangkin ni Rizal na sumanib din sa Katipunan. Katulong siya ni Marcela Agoncillo sa paggawa ng unang watawat na disensyo ni Emilio Aguinaldo.
Tinaguriang Grand Old Woman of the Revolution si Melchora Aquino na kilala bilang Tandang Sora. Siyay 84 anyos nang sumanib sa Katipunan. Namatay si Tandang Sora noong Marso 2, 1919 sa gulang na 107.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest