Catherine Bautista,DH: Minaltrato sa Lebanon
June 4, 2004 | 12:00am
ISA si Catherine Bautista na pinalad na magtrabaho bilang domestic helper sa Lebanon, dahil sa kahirapan at hangaring makatulong sa pamilya kaya siya nakipagsapalaran sa Lebanon. Subalit ang kanyang mga pangarap ay naglaho nang siyay mahulog mula third floor ng tirahan ng kanyang malulupit na amo. Dahil sa sobrang paghihirap at pasakit kaya nagpasya si Catherine na tumakas. Nagbalikbayan siya na isa nang bangkay. Sumisigaw ng katarungan ang kanyang pamilya.
Isa si Catherine sa tatlong Pilipinang DH na namatay dahil sa pagpupumilit na makalayas sa among Lebanese. Napag-alaman na si Catherine ay humingi ng tulong sa Embassy officials sa Lebanon ngunit pinabalik siya sa mga amo nito.
Ibat ibang sector ng lipunan ang nagpapahayag ng bigyan ng hustisya ang kaapihan ng mga OFWs. Ayon kay Sen. Manny Villa, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Catherine. Handa silang parusahan ang mga pabayang Pilipino officials sa Lebanon. Hindi lamang sa Lebanon kundi maging sa Saudi, Singapore at iba pang bansa ay may mga ulat na binubusabos at minamaltrato ang mga Pilipina domestic helper. Dapat aksiyunan ito ng gobyerno.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended