Hindi rin naman masisisi ang mga jeepney at bus operators na humingi ng pagtaas ng singil sapagkat tumaas na rin ang presyo ng gasolina at diesel. Dapat din silang unawain na matagal nang nararapat na magtaas ng singil ang mga pampublikong sasakyan sapagkat ilang ulit nang nagtaas ng gasolina.
Kitang-kita ang mahirap na kalagayan ng ating mamamayan. Gipit na gipit subalit hindi makaangal. Ang mga negosyante naman ay nalalagay din sa alanganin sapagkat karamihan sa kanila ay hindi rin kumikita at ang iba nga ay malapit nang magsara. Kung madadagdagan pa ng gastusin saan pa pupulutin ang mga ito? Kaya kapag nagsara na ang mga factory at iba pang negosyo, lalong dadami ang mga mawawalan ng trabaho.
Nasa kritikal na kalagayan ang pamumuhay sa bansa. Madaling sabihing ekonomiya raw ang problema natin dito. Subalit ang hindi nila seryosong pinag-uusapan ay ang tungkol sa kinikita ng karaniwang Pinoy. Sapat ba ang kanilang kinikita upang ibuhay sa pamilya. Sa uupong presidente, mahalaga na mabigyan ng solusyon ang problemang