^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ang mahihirap ang pinipiga

-
SUNUD-SUNOD ang pagtaas ng presyo ng petroleum products at masama ang naging epekto sa maliliit o mahihirap: Sila ang napiga. Nagtaas na ng pamasahe ang pampasaherong dyipni at bus na magkakabisa sa June 9. Ang matindi, nagsunuran sa pagtaas ang mga pangunahing bilihin. Magandang balita ba ito pagkaraan ng eleksiyon? Masamang balita. Hindi maganda kapag ang mahihirap ang napipiga samantalang marami ang nagpapasasa. Hindi maganda sapagkat ang mahihirap ang laging naghihigpit ng sinturon.

Marami pang nakalinya ang gobyerno kung paano pipigain ang mamamayang naghihigpit ng sinturon. Inuunti-unti ang pagpiga. Kamakailan, inihayag ng gobyerno ang planong pagta-tax sa text messaging. Ang pahayag na ito ay pag-ulit lamang sa mga plano noon pang nakaraang taon. Ang akala ng marami ay nakalimutan na ang planong pagta-tax sa text messaging, hindi pa. Naghihintay lamang ng pagkakataon. Ngayon nga ay balak na nila itong ipatupad. Magandang balita pagkaraan ng eleksiyon kung saan ay si President Gloria Macapagal-Arroyo ang nangunguna at nagpapakita ng palatandaang uupong presidente sa loob ng anim na taon.

Bukod sa pagta-tax sa text messaging, nakalinya rin ang pagta-tax sa mga pampasaherong sasakyan at sa mga produktong petrolyo. Ang planong pagta-tax ay upang makalikom umano ang gobyerno ng karagdagang P50 billion sa revenues. Pagpapataw ng tax ang prayoridad ng gobyerno. At sa lahat ng kanilang pagkukunan ng tax ay ang maliliit o mahihirap ang tiyak na apektado. Kapag pinatawan ng tax ang tax messaging, maraming karaniwang mamamayan ang sisigaw sa sakit. Babawiin ito sa kanila ng telecommunications companies. Kapag pinatawan ng tax ang public transport, tiyak tataas ang pasahe. Kapag binuwisan ang petroleum products lahat ay tataas kabilang ang mga pangunahing bilhin. Ang mahihirap ang pigang-piga.

Wala na bang ibang maisip ang gobyerno at sa karaniwang mamamayan nila kukunin ang buwis para maidagdag sa kaban ng bayan? Katawa-tawa ang kanilang naiisip na ito. Sa halip na pagaanin ang pasanin ng mamamayan ay dadagdagan pa ng pabigat. Nakatatawa ito sapagkat katatapos lamang ng eleksiyon at sariwa pa ang mga ipinangako sa mahihirap na pagagaanin ang buhay.

Sa halip na pigain ang mamamayan, habulin nila ang mga corrupt sa BIR, Customs at DPWH. Sa halip na ang mamamayan ang pahirapan, dakmain ang mga tax evaders sapagkat sila ang nagpapahirap sa bayan..

BABAWIIN

BUKOD

INUUNTI

KAMAKAILAN

KAPAG

KATAWA

MAGANDANG

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TAX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with