^

PSN Opinyon

Nawawalang bagahe

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Fely at ang kanyang ina ay nagbalikbayan mula sa Amerika. Nagpunta sila sa Bicol upang bisitahin ang ilang kamag-anak. Sumakay sa De Luxe Bus No. 5. Ang kapatid ni Fely na si Rudy ang nagsakay ng tatlong bagahe sa compartment na naglalaman ng mga libro sa optometry, trial lenses, passport, visa, importanteng mga dokumento pati na ang green card ng kanilang ina.

Sa unang stop over ng bus, natuklasan nilang bukas ang pinto ng compartment kung saan isang maleta na lamang ang natira dahil hindi pala maayos na naikandado ito. At dahil nawalan ng bagahe ang lahat na pasahero pati na si Fely, hiniling nila sa drayber ng bus na balikan ang dinaanang ruta upang matukoy kung saan nabagsak ang mga gamit nila. Hindi sumunod ang drayber bagkus itinuloy nito ang biyahe patungong Bicol.

Nagreklamo sila sa kompanya subalit inalok sila ng P1,000 kada bagaheng nawala.Hindi pumayag ang mag-ina. Samantala, natagpuan ang isang bagahe ni Fely sa tulong ng panawagan nila sa radyo. Pagkatapos nito ay humingi sila ng tulong sa NBI. Kasama ang kanilang abogado, hiniling nila mula sa kompanya at nangakong gagawa ng paraan upang maibalik ang mga nawalang bagahe.

Siyan na buwan ang lumipas ngunit walang nangyari. Kaya, nagsampa sina Fely ng kaso laban sa kompanya upang mabayaran nito ang kaukulang halaga ng nawalang bagahe kasama na ang moral at exemplary damages. Itinanggi ng kompanya ang pananagutan at naging depensa nila na nagkulang sina Fely na ideklara ang mga bagahe bago pa man magsimula ang biyahe. Tama ba ang kompanya?

MALI.
Napatunayan ni Fely sa bus na may mga bagahe siya sa pamamagitan ng testimonya ng kanyang kapatid na si Rudy. Sinuportahan ito ng mga testimonya ng lahat na pasahero na nawalan din ng mga bagahe. Samantala, ang paghingi ng kompanya ng paumanhin at pag-alok ng pera kay Fely ay isa nang pag-amin sa pananagutan nito.

Ayon sa Civil Code, ang nasabing kompanya bilang common carrier ay may pananagutang magkaroon ng ekstra-ordinaryong pagsisikap sa pagkupkop ng mga bagahe mula nang ang mga ito ay ilagay sa kanilang pangangalaga hanggang aktwal na maibigay sa tunay na may-ari nito.

Sa kasong ito, ang pagkawala ng mga bagahe ay resulta ng kapabayaan ng kompanya na ikandado ang pinto ng mga bagahe. Kaya, may pananagutang magbayad ang kompanya ng P30,000 katumbas ng halaga ng mga bagahe, P30,000 bilang transportation expenses, P20,000 para sa moral damages at exemplary damages at P5,000 na attorney’s fees (Sarkies tours vs. Court of Appeals, et. al. G.R. 108897, Oct. 2. 1997).

BAGAHE

BICOL

CIVIL CODE

COURT OF APPEALS

DE LUXE BUS NO

FELY

KAYA

KOMPANYA

RUDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with