^

PSN Opinyon

Paging PAGCOR in behalf of Eddie Mercado

- Al G. Pedroche -
GUSTO kong katukin muli ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pamumuno ng butihing chairman nito na si Efraim Genuino. Ito’y sakaling hindi pa batid ang nangyari sa batikang brodkaster at emcee na si Eddie Mercado.

Ang kaibigan nating si Eddie’y nagpapagaling ngayon sa Asian Hospital sa Alabang matapos ang isang brain surgery sanhi ng stroke na nagbunga ng blood clot sa kanyang utak. Ito’y nangyari sa kanya bago mag-eleksyon nung isang linggo. Si Eddie ay regular emcee sa Bingo ng PAGCOR at tiyak ko namang kusang loob itong tutulong sa mga financial needs ng ating kaibigan. Pero I presume na baka natataranta ang kanyang pamilya, lalu na ang kanyang misis na si Marivic sa pangyayaring ito at hindi pa nai-aabiso ang pangyayari sa PAGCOR kaya nais kong gamitin ang kolum na ito upang manawagan. Just in case lang naman.

Hindi mahirap na tao si Eddie pero hindi rin naman mayaman. Sikat lang siya. At batid naman natin na sa ganyang maselang operasyon ay hindi birong halaga ang kakailanganin and his hospital expenditures continue to mount. May radio program siya tuwing Linggo sa DWBR Business Radio, at ang kanyang mga kasamahan doon na pawang mga beteranong brodkaster, kaisa ng inyong lingkod ay nagsisikap sa panawagan sa mga tao at institusyong puwedeng makatulong sa kanya. Kasama riyan sina Barr Samson, Jo San Diego, Lito Gorospe at Bong Lapira na tuwing araw ng Linggo, mula tanghali hanggang alas-siyete ng gabi ay maririnig sa 104.3 FM. Dahil sa pangyayari’y pansamantalang hindi maririnig sa susunod na ilang Linggo si Eddie sa kanyang programa mula 3:00 pm hanggang 4:00 pm.

Afterall,
lahat naman tayo’y pinasaya ni Eddie Mercado bilang isang napakagaling na brodkaster at emcee sa radyo at telebisyon kaya sana’y idalangin natin sa Diyos ang mabilis niyang paggaling para muli natin siyang makapiling. Si Ms. Jo San Diego ang in charge sa fund raising para kay Eddie at kung gusto n’yong mag-pledge puwede n’yong itawag kapag araw ng Linggo sa DWBR sa telepono bilang 9203928.

Maaari ding tawagan para sa inyong pledges si Barr Samson sa cell phone No. 09208970324.

ASIAN HOSPITAL

BARR SAMSON

BONG LAPIRA

BUSINESS RADIO

EDDIE

EDDIE MERCADO

EFRAIM GENUINO

JO SAN DIEGO

LINGGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with