Sa ngayon, marami sa kababaihan natin ay hayagan ang pangangampanya na huwag iboto itong si Ka Noli dahil sa objectification of women. Kabilang na dito ang Kababaihan Kontra Kabayan (KKK) na ang mahigpit na katunggali ni Ka Noli na si Loren Legarda ang isinusulong. Kung si Loren ang iboboto ng mga Pinay, itoy dahil subok na ang track record sa pangangalaga ng kababaihan at kabataan. Hindi bat si Loren ang may-akda sa Anti-Violence Against Women in Intimate Relationship Act? Si Loren din ang nagpanukala ng batas na dagdagan ang benepisyo ng kababaihan lalo na yaong nagdadalantao at mga livelihood at skills development, he-he-he! Mukhang nangangampanya na tayo dito ah? Kayo ang dapat maghusga sa kanila mga kababayan.
Napag-usapan na rin lang natin ang kababaihan, aba itong aktres pala na si Alma Moreno ang sinusuportahan sa ngayon ni dating National Security Adviser Roilo Golez sa pagka-mayor ng Parañaque City. Ibig bang sabihin niyan, initsa puwera na ni Golez ang mayoral candidate niya na si Jun Bernabe? Si Golez ay tumatakbo sa Congress Laban kay incumbent Mayor Joey Marquez. Totoo ba na panay bulong ni Golez sa mga botante na si Alma ang iboto at hindi si Bernabe? Aba, mukhang kumukuha ng linya si Golez sa kampo ng KNP ah, di ba mga suki? May balak kaya siyang bumalik sa Gabinete kapag nanalo si Da King? Ayon naman sa nakausap natin, ang kawalan ng datung ang nagtulak kay Golez para iwan sa ire itong si Bernabe. Hay, pulitika talaga!
Balikan naman natin ang KKK na sa kanilang kampanya ay inihayag na its a choice between good and evil itong laban sa vice president ng bansa. At dapat, ang mga Pinay ay bigyan pansin ang pahayag ni Pacita na ayaw niyang matanso ni Ka Noli ang bayan tulad ng ginawa sa kanya. Sa maraming babae na niloko nitong si Kabayan at sa hindi niya pagmalasakit sa kanyang mga anak, eh dapat husgahan na siya ng kababaihan, anang KKK. Ang kuntensiyon nila ang taong walanghiya ay walanghiya talaga.
Malalasap kaya ni De Castro ang lupit ng paghiganti ng kababaihan sa ginawa niyang paglalaro sa mga babae sa buhay niya? Ilang tulog na lang at may kasagutan na ang mga katanungang ibinabato natin sa mga botante natin, di ba mga suki?