Kailangan ng pang-tuition
May 5, 2004 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Karaniwang empleyado lamang po ako sa maliit na kompanya dito sa Bulacan. Naging miyembro po ako ng Pag-IBIG noong 1990 pa. Ang problema ko po ngayon ay kapos po ako sa pambayad ng matrikula ng aking mga anak.
Maaari po ba akong manghiram sa Pag-IBIG para po sa pambayad ng kanilang matrikula? Anu-ano po ang aking mga gagawin? Aida
Sa pamamagitan ng Multi-Purpose Loan, ang bawat miyembro ng Pag-IBIG ay maaaring makahiram upang matugunan ang kanyang mga pangangailangan sa buhay. Ang programang ito ay naglalayon na magbigay ng pinansyal na tulong sa mga nangangailangan ng pagpapaayos ng bahay, pagtayo ng maliit na negosyo, pambayad sa pagpapagamot, pambayad ng matrikula sa paaralan, pambili ng appliance at iba pang mga pangangailangan.
Kinakailangan lamang ng miyembro na nakapagbayad na ng 24 buwanang kontribusyon at buwanang nagbabayad ng kanyang kontribusyon sa panahon ng aplikasyon. Ang halaga ng maaaring mahiram ay hanggang 60 porsyento lamang ng kanyang Total Accumulated Value (TAV) ng kanyang inihulog na.
Magsadya lamang po kayo sa Pag-IBIG Office na pinakamalapit upang humingi ng application form at listahan ng mga requirements.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 16, 2026 - 12:00am