Kasunduan ng Pag-IBIG at Metrobank

Sa tulong ng pribadong sektor sa mga programang pabahay ng administrasyong Arroyo, marami sa mga pangangailangan ng mamamayan ang natutugunan.

Kamakailan lamang, nagkaroon ng kasunduan ang Metrobank at Pag-IBIG Fund na ang mga miyembro ng Pag-IBIG na miyembro rin ng Metrobank ay maari nang magbayad ng buwanang amortisasyon sa kanilang Pag-IBIG loans sa pamamagitan ng Metrobankdirect. Ang pasilidad na ito ay maaring magamit sa pamamagitan ng cellphone, Internet, landline at ATM.

Napakagandang balita at napakalaking tulong sa mga depositors ng Metrobank. Hindi na sila mapapagod at magsasayang ng oras sa pagbibiyahe at pipila sa pagbayad ng kanilang buwanang amortisasyon sa Pag-IBIG o sa mga accredited na banko ng Pag-IBIG.
* * *
Ang Habitat for Humanity Philippines Foundation Inc. (HFHP) ang patuloy na pagtulong sa mamamayan para magkaroon ng sariling lupa at bahay. Nagkasundo ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Lito Atienza at Habitat for Humanity Philippines na magtayo ng isang libong bahay para sa mga apektado ng sunog sa Baseco Compound.

Sa pakikiisa at kahanga-hangang adhikain ng HFHP, ang ating pambansang suliranin sa pabahay ay nabibigyan ng kalutasan. Ang susi ng tagumpay sa ating mga suliranin ay ang pagkakaisa ng mamamayan, pribadong sektor at ng pamahalaan.

Show comments