Bakit nangulelat si GMA sa mock polls sa DPWH ?
April 22, 2004 | 12:00am
KADALASAN, kapag nag-mock elections sa mga opisina ng gobyerno, laging nangunguna ang incumbent President. Siyempre, kanino pa ba sisipsip ang mga empleyado ano?
Pero alam ba ninyo na kamakailan ay nagdaos ng mock elections sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang resulta ay nakadidismaya?
Mantakin ninyong sa ahensyang ito ng pamahalaan, kulelat si Presidente Gloria Arroyo. Hindi raw kataka-taka ito, anang aking kaibigang insider sa DPWH. Kasi raw, nangangamba ang mga empleyado ng DPWH na baka panatilihin pa sa puwesto ni Prez Gloria ang kontrobersyal na si Secretary Soriquez. Iyan mismo ang napag-alaman natin mula sa isang reliable source sa DPWH.
Naging kontrobersyal si Soriquez dahil sa nakalululang multi-bilyong pisong ginastos sa Pampanga mega-dike nang siya ay executive director pa ng Mt. Pinatubo Commission. Lumang isyu na iyan na batid na ng marami. Huwag na nating i-elaborate pa.
Pero talagang nakaiinsulto kay President Gloria ang resulta ng mock election na ito na ang result ay (hold your breath) ganito: Roco-39 percent, Ping Lacson- 37 percent, Fernando Poe, Jr.-15 percent. Bagsak na bagsak ang boto kay President Gloria sa 9 percent!
Matagal nang kinaiinisan itong si Sec. Soriquez sa mismong kanyang tanggapan. Marami raw siyang mga spurious activities ayon sa ating impormante. Kabilang diyan ang pag-aatas diumano sa mga regional directors na mangulekta para sa campaign kitty ni President Arroyo. At ang pinangangalandakan ay utos daw ito ni FG Mike Arroyo.
Ang siste, tila hindi raw nakarating sa campaign coffer ni Mrs. President and nailak na pera ng mga regional directors, anang aking impormante.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended